Home Headlines Suspek sa karumal-dumal na pagpatay timbog

Suspek sa karumal-dumal na pagpatay timbog

855
0
SHARE

LUNGSOD NG OLONGAPO Bumagsak na sa kamay ng mga tauhan ng Olongapo City Police Office ang suspek sa karumaldumal na pagpatay sa isang estudyante sa Barangay Cabalan sa lungsod na ito.

Ayon kay city police director Col. Randy Arceo, ang suspek na si Ronnel Cabarubias ay nahuli sa bayan ng San Marcelino dakong 8:45 ng gabi nitong Martes sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya sa tulong na rin ng mga kamaganak ng suspek.

Ayon pa sa ulat, ang suspek ay siyang responsable sa pagpatay kay Jennifer Dela Cruz, 20, matapos na makita ang naiwang wallet ng suspek sa pinangyarihan ng krimen at iba pang ebidensiya.

Matatandaan na nitong Lunes ng umaga batay sa pahayag ng ina ng biktima, nang puntahan ito sa kwarto bandang alas7 ng umaga para gisingin ay hindi ito sumasagot at sa pagaakalang ito ay tulog pa ay hindi na nito sinubukan pang gisingin.

Binalikan ito bandang alas11 ng umaga nang muli itong katukin ngunit wala pa ring sumasagot kayat nagpasya itong dumaan sa bintana ng kwarto at doon nakitang nakahandusay ang duguang biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, tinangay ng suspek ang may P4,000 cash at mga alahas na nagkakahalaga ng P80,000 at saka pinagsasaksak sa leeg ang biktima bago ito tumakas.

Nabatid pa sa ulat na ang suspek ay ex-boyfriend ng kapatid ng biktima

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here