Susan Ople for senator movement sa Facebook

    451
    0
    SHARE
    Kakaiba ang kampanyang nagsusulong sa bunsong anak ng yumaong si Senador Blas F. Ople para kumandidatong senador ng republika.

    Ito ang pagbubukas sa Facebook ng account “susanopleforsenatormovement.” Tama, isinusulong na kumandidatong senador si Susan “Toots” Ople, ang bunsong anak ni Ka Blas.



    Sinimulan ito ni Derick Delos Reyes, isang political science student ng Dr. Yanga’s Francisco Balagtas Colleges sa Bocaue, may isang buwan pa lamang ang nakakaraan.

    Pero isang buwan pa lang matapos buksan ang nasabing account ay mahigit 1,800 na ang mga kasapi ng “susanopleforsenatormovement.



    Simple ang paliwanag ni Delos Reyes na mas kilala sa Facebook bilang “Maalab”, kung bakit niya sinimulan ang “susanopleforsenatormovement.”

    “I think Ms. Ople is the most credible person who can speak about the flight of overseas Filipino workers (OFWs) today,” ani Maalab.



    May punto ang pahayag ni Maalab, dahil siya mismo ay anak ng isang OFW. Seaman ang kanyang ama na patuloy ang pagsasakripisyon maitaguyod lamang ang pag-aaral ni Maalab at ng kanyang kapatid.

    Marami kasing pulitiko ang gumagawa ng kung ano-anong pakulo, makuha lang ang boto ng mga OFW. Meron diyan na gusting pumorma bilang bani ng mga OFW at panay ang pagyayabang na siya ang tumulong para makauwi ang mga sinamang palad na OFW, pero hindi naman ginagamit ang P200-milyong pork barrel bawat taon para lumilikha ng trabaho sa bansa at hindi na mangibang bansa ang mga kababayan natin para magtrabaho.



    Para kay Maalab, “Walang ibang suited na maging representative ng mga OFWs sa Senado kungdi si Ms. Ople.

    Ito ay dahil sa si Toots Ople ang presidente ng Blas F. Ople Policy Center, isang NGO na tumutulong sa mga OFW. Bukod dito, mas nauunawaan ni Toots Ople ang Labor Code na inakda ng kanyang ama na nagbukas ng pinto sa milyong Pilipino na makapagtrabaho sa ibayong dagat mula pa noong dekada 70.



    Bakit naman sa Facebook sinimulan ni Maalab ang kampanya para isulong ang kandidatura ni Toots Ople?

    Narito ang pahayag ni Maalab sa Puntong Bulacan: “More young people today are dependent on the internet as far as getting information on people who wants to run for public office. I believe, this will greatly help Ms. Ople is she finally decide to run for the Senate.”



    Binigyang diin pa ni Maalab na epektibo ang internet sa mga kabataan. Bukod dito, totoo ang kanyang pahayag na patuloy ang pagdami ng mga kabataang gumagamit ng internet upang higit na kilalanin ang mga nais kumandidato.

    Ayon kay Ed Lingao ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), umangat sa 24-M ang internet users sa Pilipinas sa taong ito, mula sa 2-M noong 2000.



    Batay sa social media tracker research na isinagawa ng Universal McCann noong Marso 2008, sinabi ni Lingao na 90 porsyento ng Pinoy internet users ay nagbabasa ng mga blogs.

    Ang porsyentong ito ay pangalawa lamang sa porsyento ng mga Koreanong internet users na nagbabas ang mga blogs (92%), at higit na mas mataaas 77% na global average.



    Sa kasalukuyan, ang bilang ng bloogers sa buoang munddo ay umaabot na sa 184-M, kung saan ay 42-M ang matatagpuan sa China.

    Sa larangan naman ng paglikha ng mga blogs, pang-apat ang mga Pinoy (65%); una ang mga Koreano (71 %); pangalawa ang mga Taiwanese (70%); at pangatlo ang mga Tsino (70%). Ang global average sa paglikha ng blogs ay 44%.



    Hinggil naman sa pagsali sa mga social networking sites tulad ng Facebook, numero uno ang mga Pinoy internet users (83%)

    Numero uno din ang mga Pinoy internet users sa panonood ng video sa internet (98.6%); kasunod naman ang mga Mexicano at Baraxilians na kapwa may 94%. Dahil kaya sa mahilig sa mga scandal, (sino sa inyo ang hindi nag-download ng Hay-Kat scandal?)



    Pangalawa naman ang Pinoy internet users (60%) sa pag-upload ng video sa internet. Una ay ang mga Brazilians (68%), at mas mataas sa China na may 58%.

    Batay sa pag-aaral ng Universal MacCann, ang mga nasabing bilang ay nagpapatunay lamang na patuloy ang pagdami ng internet users na lumilikha ng impormasyon.



    Ito ay nangangahulugan na hindi na lamang reader ang kalagayan ng mga internet users. Sa halip, ito ay nagpapatunay ng partisipasyon ng mga internet users.

    Kung ito ang kasalukuyang sitwasyon, tiyak na magiging malaki ang kontribusyon ng internet sa kandidatura ng mga pulitiko. Sali na kayo.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here