Supermarket tiklo sa price monitoring ng DTI

    212
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ng surprise inspection ang Department of Trade and Industry (DTI) sa 20 supermarket at grocery stores dito ukol sa price monitoring ng mga basic commodities and necessities ngayong tag-ulan.

    Ayon kay Atty. Anne Claire Chan, OIC-undersecretary for consumer protection ng DTI, ang Grandmas Supermarket ay nakitaan ng paglabag sa suggested retail price (SRP) ng 20 produkto mula limang sentimo hanggang P2.

    May violation din daw ang nasabing supermarket sa price tag ng 19 produkto.

    Pinadalhan na nila ang Grandmas Supermarket ng show cause order para magpaliwanag sa loob ng 48 oras.

    Kailangan daw ibalik nito sa itinakdang oras ang halaga ng mga produkto batay sa SRP.

    Kung mapatunayan na may violation ang isang supermarket ay bibigyan ito ng karampatang parusa gaya ng pagmumulta ng mula P500 hanggang P1 milyon depende sa nagawang violation kung ito ay sa Price Act o sa price tag.

    Kahit wala daw deklarasyon ng state of calamity ay ginagawa na ito ng DTI magmula daw nang umulan upang tignan ang presyo at kung sapat ang supply ng basic commodities.

    Babala ng DTI sa mga negosyante na huwag magsamantala kapag ganitong panahon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here