Suicide ng sekyu sapol sa CCTV

    196
    0
    SHARE
    SAN JOSE CITY – Wala nang buhay na nakahandusay sa semento ang isang 54-anyos na security guard nang matagpuan ng mga otoridad sa King Cedric Rice Mill sa kahabaan ng Tulat Road, Barangay Calaocan ng lungsod na ito nitong Martes ng hapon.

    Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jesico Deles, security guard ng Light Supervision Security Agency na pag-aari ni Arlene Apuan Lapitan, residente ng Zone 1, Barangay Porais sa lungsod na ito at nakatalga sa nasabing rice mill.

    Sa imbestigasyon ni PO3 Crisostomo Rivera, Jr., bandang alas 3:30 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang nagpakilalang Richie hinggil sa natagpuang bangkay sa harapan ng pintuan ng rice mill ni Jose Ray Sta. Romana sa Barangay Calaocan.

    Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na bandang alas 3:10 ng hapon nang mag-suicide ang biktima habang naka-duty sa harapan ng rice mill.

    Sa pagsusuri sa CCTV camera ng gusali, magisang nakaupo ang biktima sa isang monoblock chair sa loob ng guardhouse nang magbaril sa kanang bahagi ng kanyang ulo kaya’t bumagsak sa semento.

    Ayon sa 45-anyos na kinakasama ng biktima, sinabi nito na magpapakamatay siya tatlong araw ang nakararaan. “Magpakamatay na lang kaya ako,” ito raw ang sinabi ng biktima sa babae bagama’t hindi binanggit sa ulat kung ano ang posibleng dahilan.

    Nabawi ng mga maykapangyarihan mula sa lugar ang isang Norinco 9mm na pistola, at isang basyo ng bala nito.

    Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pangyayari.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here