Home Headlines Street dancing na bahagi ng Pawikan festival ginanap

Street dancing na bahagi ng Pawikan festival ginanap

291
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga: Isang makulay at masayang street dancing ang ginanap sa palibot ng lungsod na ito sa Bataan at nagtapos sa Bataan People’s Center noong Miyerkules bilang bahagi ng selebrasyon ng Pawikan festival.

Nilahukan ito ng mga street dancers mula sa 11 bayan at isang lungsod ng Bataan sa layuning itaas ang antas ng kamalayan at itaguyod ang mga pagsusumikap sa pangangalaga na kailangan upang maprotektahan ang mga pawikan at ang kanilang tirahan.

 

Hinikayat ni Gov. Jose Enrique Garcia 3rd ang lahat sa patuloy na pagkakaisa sa pagpapalaganap ng kamalayan, pagprotekta at pangangalaga sa mga pawikan.

 Magtatapos ang Pawikan festival sa ika-7 ng Disyembre sa Morong, Bataan kung saan matatagpuan ang Pawikan Conservation Center. Muling magkakaroon ng street dancing at magpapawala sa dagat ng Morong ng mga bagong pisang pawikan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here