Sinu-sino ba talaga?

    369
    0
    SHARE

    ALIN BA talaga dito sa listahan
    Ng mga Solons na sinasabi nilang
    Sangkot kay Napoles sa pork barrel scam
    Ang totoo at ang gawa-gawa lamang

    Tulad nitong hawak ni Napoles mismo,
    Itong kay Luy at ang galing kay Panfilo,
    Na katakatakang mapasama rito
    Pati kauupo pa lamang sa puesto

    Sa itinuturong mga nakinabang
    sa umano ay ten billion PDAF scam,
    gayong kagaya nga riyan ni Congressman
    Oscar S. Rodriguez ay kamakailan lang

    Nakabalik sa House of Representatives
    Bilang kinatawan para sa 3rd District
    Ng Pampanga kaya it’s so hard to believe
    Na ang ‘world class mayor’ na nag-served ng 9 years

    Sa City of San Fernando ay isangkot
    Sa anomalyang yan ng kung sinong bugok
    Na walang magawa para lang ihulog
    Si Oca sa patuloy na pag-imbulog

    Ng katanyagan niya bilang isang lider
    Na maa-asahan ng kanyang Kabalen;
    At di kagaya ng ibang nasa poder,
    (“den nen mung alalan karin mo alelen”)

    Sa ganang sariling aking paniwala
    Ya’y “demolition drive” lang o paninira
    Sa katauhan ng katulad ni Oca
    Ng kung sinong sa puesto niya nagnanasa.

    Balikan natin at muling pag-usapan
    Ang hinggil dito sa naturang listahan
    Na umano ay kay Ping Lacson galing yan,
    At isa si Oca sa nakalista riyan

    Na nabigyan at/o kaya nakatanggap
    Ng salaping dapat ay para sa PDAF
    Pero ibinulsa ng mga hayupak
    Na buwayang kati nating mambabatas

    Ipagpalagay nang ang halos lahat na
    (pasintabi riyan sa mga walang sala)
    Ng mambabatas ay nalagyan kumbaga,
    Papanong ang isang ni hindi kilala
    Itong ‘queen of scam’ biglang napasama?

    At saka kailan ba nag-umpisa itong
    Pangungurakot o grabeng pandarambong
    Sa kaban ng bayan – at kung di lang ngayon
    Ay di sumingaw ang ganyang alimuom?

    Kung noong nagdaang administrasyon pa,
    Imposibleng si Cong Oca ay kasama
    Sa naturang scam dahil Mayor siya
    Nang panahong iyon at di Kongresista.

    Kasi nag-mayor nga ng siyam na taon
    Bago siya nahalal muli bilang Solon,
    Kung kaya ang naging ‘world class city mayor’
    Ay di maaaring isabit ni Lacson

    Saan mang anggulo natin pakatingnan
    Kasi nga ay hindi naman siya Congressman
    Sa nakalipas na halos mahigit siyam
    Na taon ng kanyang ipinanungkulan

    Kung saan sa puntong yan ay tinitiyak
    Nating paninira lang ang lahat-lahat
    Na ng akusasyon ngayo’y lumalabas
    Laban sa’ting respetadong mambabatas

    Pagkat tunay namang ang gaya ni Oca
    Na maka-Diyos at may mabuting nasa
    Ay hindi kailanman basta pasisira
    Sa kislap ng pilak at masamang gawa!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here