Sinong dapat sisihin sa maling ispeling?

    567
    0
    SHARE
    Kung may marapat na sisishin siguro
    Sa anumang maling data sa rehistro
    Ng kapanganakan natin sa NSO
    Ya’y maipapataw sa MCR mismo

    May okasyun kasing sa kawalang ingat
    Ng iba, bagama’t marunong magsulat,
    Pero kung basta na lang n’yan pini-‘fill-up’
    Ang ‘registration form’ posibleng masilat.

    Kung di muna nito nililinaw minsan
    Ang kung anong data na dapat ilagay;
    Gaya ng ispeling ng mga pangalan
    Na ngayon ay iba-iba ang pagbaybay

    Tulad halimbawa ng “K” nitong Kristine
    Na karaniwa’y “C” sa dating ispeling,
    Yan kapag di “K” ang inilagay natin
    Ay may ‘discrepancy’ nang maituturing.

    Kasi nga kahit na iisang letra lang
    Ang di tumugma sa birth certificate n’yan,
    Ya’y problema na sa kinauukulan
    Sa kung anong dapat nitong pag-gamitan.

    Gaya ng pagkuha n’yan ng Pasaporte
    Kung lalabas yan ng bansa o bibiahe,
    Yan hangga’t di ganap na mapa-retoke
    Sa National Census, ay kailan pupuede.

    Na magamit nito upang ya’y mabigyan
    Ng pasaporte sa alin mang tanggapan
    Ng ating DFA saan pa mang lugar,
    Kahit pa man nga mali ay isa lang.

    Na kagaya ng naging problema noon
    Ni Yvette Kristine B. Garcia ng San Simon,
    Yan ay di nga kaya kapalpakan nitong
    Napakapangit na sulat ng isa r’on?

    Na kahit “Yvette” ang kanyang isinulat
    Sa ‘official form’ na pinadala’t lahat
    Sa NSO nitong kung sinong nagsulat
    Ay “Ynette’ tuloy ang lumitaw at sukat 

    Gayong ayon mismo sa MCR’s logbook
    Ng ‘records of birth’ ay ating matatalos
    Na “Yvette” ang doo’y nakasulat lubos
    At ang “C” lang sana ang dapat i-ayos

    Na mas mura kaysa “Ynetter” ang i-correct,
    Pagkat ‘typographical’ lang ‘in its effect’
    Ang dapat ayusin n’yan para kay Yvetter
    Upang maitama, ‘at her undue expense’

    And since, as clearly seen in the said births’ records
    At the same office in their official logbook
    That the name Yvette is vivid on the book,
    Then, who’s to be blamed for to make the story short?

    Mabuti-buti at posibleng kaunti lang
    Ang bayaring dapat isingil hinggil d’yan,
    Yan nang dahil lang sa kawalang ingat nyan
    Ay tumagal pati prosesong kailangan.

    Na ang naging sanhi nga lamang ng lahat
    Ay ang di malinaw na pagkakasulat,
    Ng pangalan nitong biktima at sukat
    Ng ‘grave negligence’ o kawalan ng ingat.

    Kaya’t sa puntong yan ay marpat lamang
    Na maging ‘legible’ itong sulat kamay
    Ng taga MCR, at di itong parang
    Kinahig ng manok ang ‘handwriting’ po n’yan!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here