sa pagkuha n’yan ng Pasaporte niya
dito sa DFA natin sa Pampanga
nang dahil sa sobrang higpit lang ng isa.
Na aywan kung ito’y may sapat na ‘training’
hinggil sa ilang bagay na kinakailangan din
namang mabigyan ng kaukulang pansin
ng nakatoka sa counter ng processing.
Gaya riyan ng bagay na di kasalanan
nitong aplikante ay hindi nabigyan
n’yan ng positibong aksyon na kailangan
gayong okey na sa ibang kasamahan.
Nakuhanan na ng litrato at lahat
o kumbaga ay plantsado na at sukat
ang ‘documentation’ at iba pang dapat
daanan – hanggang sa nakauwi agad.
Pero kung kailan at siya’y nakauwi na
saka tinawagan upang bumalik siya
sa DFA at ang sabi’y di uubra
ang huling papeles na sinumite niya.
Yan ay ang tungkol sa ‘birth certifi cate’
nitong si Mary Jane na ‘authenticated’
ng City Registrar ng City of Pasig
ay ni-reject pa ng offi cer na buwisit
Na nakadestino sa processing section
ng ating DFA dito sa Third Region,
dahil may Pasig daw saka Mandaluyong
na nakalagay sa Record ng NSO
Gayong gaya na nga ng aking nasabi,
ay napakasimple nitong ‘discrepancy’
na naitala sa ‘birth cert’ na nasabi,
ng sinumang dating MCR nga kasi.
Although in contrary or to support rather
Applicant’s lawful claim, the Local Registrar
Of now Pasig city issued birth cert for her
To correct what has been mistakably written?
Hindi pa ba sapat na dokumento yan
para itong applikante ay mabigyan
ng konsiderasyon sa puntong naturan
bilang ‘law abiding citizen’ din naman?
O baka naman ay kulang lang sa pansin
Itong masungit na opisyal ng ating
DFA kung kaya sa napakasimpleng
bagay lang ay sobra kahigpit marahil?
Kung aniya’y kailangang kumuha ng bago
ang ‘applicant’ ng ‘birth certifi cate’ nito,
Di kaya lalo nang magka-lukoluko
ang record ng aking anak sa NSO?
Kasi ay ‘lawfully registered’ na nga yan
bilang pang-anim sa supling naming siyam
ng aking esposang apelyido’y Viray
at ni ‘yours truly’ na ama niyang tunay.
Lalong di uubra kung ‘late registration’
ang i-apply pagkat mayrun na nga itong
‘birth cert on file’sa main office ng NSO,
na ang kopya n’yan ay hawak na niya ngayon.
Kaya kung nang dahil lamang sa posibleng
kapalpakan ng ibang opisyal natin
ay di nakalipad itong anak namin,
sino sa DFA ang dapat sisihin?