Bagaman nagpahayag na ang kampo ni Angel na hindi na niya gagawin ang nasabing pelikula, marami pa rin ang naniniwala na siya pa rin ang magsusuot ng iconic costume ng character ni Mars Ravelo. May naririnig pa nga kaming usap-usapan na mismong Star Cinema ang sumasagot sa surgical operations ng actress para sa kanyang spine injury. Ito raw ay para masiguro na siya pa rin ang lilipad bilang Darna. Lahat ng usapin na ito, totoo man o hindi, ay malaking mileage para sa publicity ng pelikula ni Erik Matti.
Samantala, parang may contest na Search for Darna kung saan iniisa-isa ang mga aktres na pwedeng sumalo kay Angel. But Liza seems to be the top choice. Sa totoo lang, bagay siya sa role. Dahil bata, seksi at sikat bukod pa sa magaling itong umarte.
At siguradong ito ang lalong magpapasikat sa kanya.
Kailan ba ihahayag ng Star Cinema kung sino na talaga ang magiging bagong Darna?