Sharon Cuneta idinawit ni Liezel sa buhay ni Robin Padilla?

    93
    0
    SHARE
    Marami na ang pumuputak para kay Sharon Cuneta. Ibig palabasin ng kanyang kampo na masyado naman daw unfair si Liezel Sicangco na isinangkot pa nito ang megastar sa problema nila ng dating asawang si Robin adilla. As we all know, nagkaroon ng kontrobersya between estranged husband and wife na sina Liezel at Robin nang pakasalan ng huli si Mariel Rodriguez.

    Anyway, sa phone patch interview kay Liezel, naitanong ng mga hosts ng Paparazzi yung mga past si Robin at sinagot ng una na pinagselosan daw niya si Sharon Cuneta nuong araw.

    Kumbaga, yung tsismis noon na nagkaroon ng intimate relationship sina Robin at Sharon ay pinatotohanan ni Liezel. Ayon nga kasi rito, pinagselosan daw niya at iniyakan yung romantic episode na yon sa buhay nina Sharon at Robin.  “Pero humanga ako sa kanya dahil at that time, nang malaman niyang may anak na kami ni Robin sa kanya, talagang kusa raw lumayo ang megastar.”

    Heto na nga, wala si mega ditto sa Pinas, kaya panay ang satsat ng kampo niya na masyadong unfair si Liezel na idawit pa si Sharon.

    For hert part, nag-deny na raw si Sharon noon pa na ni hindi nga nanligaw sa kanya si Robin.

    Kung kami naman ang tatanungin, wala namang dapat ipangamba si Sharon or ang camp niya. Wala namang masamang sinabi

    si Liezel. Sinabi lang naman nitong nagselos siya rito at hanga pa nga raw siya dahil umiwas naman ito.

    Sa true naman, bukod kay Robin, may ilang lalaki pa’ng na-link si Sharon at kahit na hindi nito pinag-uusapan, there was a time na open secret naman ang mga relasyones niya sa mga ito.

    Halimbawa yung sa kanila ni Richard Gomez, totoo naman yun talaga.

    Ewan kung ide-deny ni Sharon, pero nagkaroon din siya ng relasyon kay Tonton Gutierrez noon.

    Sino-sino pa nga ba’ng ibang lalaki sa buhay ni Sharon Cuneta?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here