Troy selos na selos??? Aubrey Miles may iba ng lalaki?

    47
    0
    SHARE
    Kapuwa pinatutunayan nina Aubrey Miles at Troy Montero na hanggang ngayon ay intact pa rin ang pagsasama nila.  Wala raw katotohanan yung tsismis na nagkalabuan sila at maghihiwalay na dahil may ibang lalaki na pumasok sa buhay ni Aubrey Miles.

    Ang itinuturong kontnrabida sa kanilang relasyon ay si Ervic Vijandre, yung castaway sa Survivor Philippines na nakasama ni Aubrey ng mahigit isang buwan sa isang isla sa Thailand.

    Lumalabas na nagkaibigan daw ang dalawa habang tumatakbo ang Survivor Philippines. Kitang-kita raw sa video kung paano nagka-develop-an ang dalawa.

     “I’m not a jealous person per se,” paliwanag pa ni Troy, “but I’m only human given their situation, so I make sure I watch it every night.”

    Isa pa raw pinag-awayan ng mag-asawa is the fact na dapat sana ay si Troy ay makakasama rin ni Aubrey sa Survivor. Pero kumontra si Aubrey knowing na mahihirapan sila kung couple sila. Isa pa, wala raw maiiwan sa mga anak nila.

    Isa pang ipinagsisintir daw ni Troy ay yung kasama ng grupo si John Hall at hindi lingid sa madla na nakarelasyon ito noon ni Aubrey Miles.

    “Mas mahirap kasi pag couple kayo,” sabi Aubrey. “At walang magbabantay sa anak namin.

    “As for John Hall, matagal na kaming tapos. When I say na tapos na ako sa isang relasyon, tapos na talaga. I am deeply in love with my husband and at the moment, siya lang talaga, walang iba, ewan kung sa darating na panahon ay papalitan ko siya. As if now that would be next to impossible kaya dapat na kalmado lang siya,” seryosong matuwid pa ni Aubrey Miles.

    So there!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here