Shaina Magdayao posibleng mabuntis ni John Pratts

    463
    0
    SHARE

    Nasa danger zone si Shaina Magdayao. Masaydo na yata siyang nalulong sa dyowa niyang si John Pratts. Marami raw kasi ang naasiwa sa anak ni Deanne Magdayao dahil tila nagiging cause siya ng pressure sa kanyang pagbabantay sa taping ng Banana Split. Masyado raw nakatutok si Shaina sa dyowa at marmi nga ang lihim na naasasar strong presence nito during the taping.

    Noong mga unang araw daw, parang bumibisita lang siya, biglang umaapir, biglang nawawala. Pero napapansin nila na every taping day, nagtatagal doon si Shaina hanggang sa nakababad na. In short, di na niya iniiwan si John at kasabay na lang niya itong umuuwi.

    In love kaya talaga siya? Takot kaya siyang masalisihan ng sino man sa mga kasamang sexy star kaya siya nagbabantay?

    O baka naman talagang walang magawa si Shaina at naiinip sa bahay at humahanap ng matatambayan. At dahil nga sobrang in love naman siya, ayun, si John Pratts ang sobra niyang dinikitan.

    Sabi ng iba, very unhealthy daw ang ganito. Kung lagi raw magkadikit ang sino mang magdyowa, posibleng mawala sila sa sarili at nabubuntis si babae.

    We are not saying na ganito rin ang magyayari kay Shaina, but the way it is, gaya ng ibang babaing nabuntis na, baka ganyan din ang mangyari kung sakali.

    Ayaw naming tawaran ang pagkababae ni Shaina pero marami na kaming nakita, sa bandang huli, dahil sa sobrang closeness sa mga bf nila, di na naming mabilang ang mga artistang babaing binuntis ng kanilang mga boyfriend.

    Name names?

    Wag na, di sila kasya sa espaysong ito.

    Kaya ang payo namin, at ganito rin so far ang sa iba, aba’y dumistansiya naman nang kaunti si Shaina bago…

    Yun lang!

     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here