Senator Chiz winawasak ng mga magulang ni Heart Evangelista

    84
    0
    SHARE

    MUKHANG walang kapaguran ang mother ni Heart Evangelista na si Mrs. Cecile Ongpauco sa pagpapa-press release.

    Marami ang nagsasabi na talagang gagawin niya ang lahat para wasakin si Sen. Chiz Escudero, pati na ang relasyon nito sa anak nila.

    Kung sabagay, kahit noon pa man ay walang nagustuhan ang parents ng aktres sa mga naging boyfriend niya.

    Alam ng lahat ang naging kapalaran ni Jericho Rosales kay Heart at nagsalita na rin si Daniel Matsunaga:
    “I’m not surprised. I know how protective they are of Heart. I just feel bad that this is happening again to her. She doesn’t deserve this,” sabi ni Daniel.

    “Heart is mature and an intelligent woman—I’m sure she can handle it,” dagdag nito.

    Nasa wastong gulang na nga naman ang ex niya kaya walang rason para ‘ikulong’ ng mga magulang ang kanilang anak.

    Ayon sa marami, wala naman makuhang simpatya ang nanay ni Heart sa showbiz dahil never naman siyang nakisama sa mga ito.

    Naalala n’yo pa ba ang ginawa niya kay Tita Annabelle Rama kung saan talagang hindi siya tumigil hangga’t hindi nakukuha ang pagmama-manage sa anak? Hay naku, hindi na talaga bago ang mga kuwentong ito.
    Kawawa naman si Senator Chiz.

    Pinagsabihan na raw kasi siya dati pa na siguradong magkaka-problema siya sa mga magulang ng aktres bago pa siya makipag-relasyon pero in love ang Bicolanong senador kaya hindi siya nakinig. Hindi niya siguro naisip na ganito kagrabe ang puwedeng mangyari.

    Nauna nang sinabi ng senador na never niyang binastos ang mga magulang ng kanyang girlfriend.

    Teka, baka naman ‘yung sinasabing lasing si Chiz pag pumupunta sa bahay nila ay dahil galing kampanya at hindi niya natanggihan ang mga nagpapatagay sa kanya?

    Siyempre nga naman, kainitan ng kampanya kaya siguro napapainom ang tao kahit ayaw naman niya.

    Kilalang hindi umiinom ng alak ang senador. Coke lang ito nang coke pag kausap mo. Or kung tumitikim, wine lang.

    Hay, ang pag-ibig at pulitika nga naman.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here