Aktor laging binabastos ni aktres

    89
    0
    SHARE

    NAPAHIYA raw ang magaling na aktor sa inasal ng isang malapit sa aktres sa last shooting day ng movie nila. Kaya naman after mag-cut ng director, lumayas sa set ang aktor na dinamdam ang hindi pagkakagawa nga isang eksenang dapat sana ay kasama sa ending ng movie nila ng aktres.

    Eh, sa totoo lang, nakatulong naman ang aktor upang tumingkad ang pangalan ng aktres sa movies. Mula nang ipareha ang aktres sa aktor, lumawak ang popularidad niya at naging box-office star, huh!

    Feeling ng aktor, rejected siya ng malapit sa aktres na pinakikialaman ang lahat ng galaw nito. Kaya pala may chika na ayaw nang pumareha ng aktor sa aktres dahil maraming bawal. To think na mas malaki namang artista ang aktor kesa sa aktres, huh!

    So kung sakaling wala nang balita na magsasama uli sa movie ang aktor at aktres, isisi ’yan sa taong malapit sa aktres, huh!

    SHARE
    Previous articlePapa Jesuit
    Next articleA week far from holy

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here