Home Headlines Sen. Imee sa NEECO II Area 1: Ipaliwanang ang sobrang taas ng...

Sen. Imee sa NEECO II Area 1: Ipaliwanang ang sobrang taas ng singil sa kuryente 

609
0
SHARE
Sen. Imee Marcos. Larawan: Senate PH

LUNGSOD NG CABANATUAN – “Systems loss o generation charge, ano pang termino ‘yang gamitin ninyo, hindi ito ang panahon para pagsamantalahan ang krisis at magpatong ng kung anu-anong singil na lalong magpapahirap sa ating kapwa.” 

Ito ang sinabi ni Sen. Imee Marcos sa isang pahayag nitong Abril 30 kung saan siya ay nanawagan sa Nueva Ecija Electric Cooperative 2 Area 1 na magpaliwanag sa mga member-consumer na dumaraing hinggil sa malubhang pagtaas ng bayarin sa kuryente.

Ipinunto ni Marcos na sunod-sunod din ang pagbabatikos ng mga member-consumer-owners sa kooperatiba dahil sa nakakalulang pagtaas ng singil ng kuryente. Ang itinuturing dahilan ay ang mahigit dobleng paglobo ng generation charge mula P2.83 noong Marso na naging P6.07 ngayong Abril.

Ginawa ng senadora ang pahayag sa NEECO II Area 1 kasunod ng kanyang pangangalampag sa Meralco tungkol sa “bill shock” na reklamo ng kanilang mga konsyumer sa Senado nitong Miyerkules.

“Hindi makatarungan ‘yang singil ng NEECO Area 1 lalo na’t ngayong panahon ng krisis. Piso lang dapat ang pinakamalaking dagdag diyan, pero sa kanila P3.24 ang tinaas,” giit ni Marcos.

Binigyang-diin ni Marcos na bagaman at may krisis sa langis, karamihan aniya ng mga generation plants ay gumagamit ng coal, hydro, at iba pang renewable energy kaya hindi umabot sa nakakapanlumong taas ang singil sa generation cost.

“NEECO Area 1, dapat ipaliwanag niyo nang mabuti sa mga konsyumer. Naghihirap na nga ang mga tao sa mga gastusin, wag niyo ng dagdagan ang iniisip nila,” banat ni Marcos.

Giniit ng senador na dapat maimbestigahan ang mga pagtaas ng singil sa kuryente na karaniwan pa ay naging doble o triple ng binabayaran ng konsyumer.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here