Home Headlines Scout jamboree naidaos

Scout jamboree naidaos

560
0
SHARE

BOTOLAN, Zambales – Naging matagumpay ang pagdiriwang ng 17th National Scout Jamboree na ginanap sa Camp Kainomayan, Barangay San Juan sa bayang ito.

Ang jamboree na may temang “Commitment to Excellence” ay nagsimula noong Dec. 1 at nagtapos ng Dec. 7. Ito ay dinaluhan ng may 25,000 delegadong nagmula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Isang grand bonfire ang isinagawa sa closing ceremony na dinaluhan nina Zambales PPO provincial director Col. Ponce Rogelio Penones Jr., deputy provincial director for operation Col. Oriano Mina, Boy Scouts of the Philippines national president Roberto S Pagdanganan, BSP national commissioner Lt. Gen. (Ret.) Cedrick Train, Botolan Mayor Doris “Bing” Maniquiz, DepEd regional director Dr. Nicolas T Capulong, Engr. Rogelio S Villa Jr, chairman Ramon G Lacbain II ng Ramon Magsaysay Council at iba pang BSP national officers.

Bagamat nagkaroon ng pre-emptive evacuation sa mga delegado sa ibat-ibang paaralan sa Botolan sanhi ng pananalasa ng bagyong Tisoy, naisagawa pa rin ng maayos ang jamboree sa tulong na rin ng PNP at mga lokal na opisyal ng Botolan at lalawigan sa pangunguna ni Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, Jr.

Samantala, pinaghahandaan na ng pamahalaan lalawigan ng Zambales sakaling matuloy ang planong sa Zambales gaganapin ang international jamboree dahil subok na anila ito matapos ganapin ang national jamboree.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here