Sarah Geronimo kinakawawa ng sariling pamilya

    112
    0
    SHARE

    Grabe ang mga usaping nakarating sa amin through a neighbor nina Sarah Geronimo sa kanilang tinitirhan sa isang village malapit sa Mindanao Avenue.

    Kumakain pa naman kami habang nagkukuwento ang aming source kaya medyo nawalan kami ng gana sa sobrang morbid na kuwento niya. Tumigil na lang kami sa pagkain para hindi na masuka.

    Anyway, tungkol sa kalinisan nag kuwneto nito sa amin. Sosyal daw kasi ang village na tinitirahan nila, malinis at talaga naming may sarili pang guwardiya. Kumbaga, de klase naman na hindi mo ikahihiya na puwedeng ipagmalaki sa mga bisita.

    “Pero ang bahay nina Sarah, ang dumi ng paligid, mabaho, yung kanilang garahe, mapanghi dahil sa ihi ng aso nila. Marumi talaga na nagkalat ng uu ng mga aso nila. Mga tamad sila, hindi naglilinis, palibhasa galing lang sila kung saan kaya di maka-maintain ng paninirahan sa isang sosyal na lugar,” kuwento pa ng kasusap namin.

    Dugtong pa sa kuwento ng aming source yung katamaran ng mga pamilya ni Sarah, lalo na raw yung dalawang kapatid niyang babaing mas matanda sa kanya.  “Puro lang sila palamunin, si Sarah ang nahihirapan, siya ang kumikita pero sila, nakahilata na lang halos maghapon, ayaw gumalaw, ni ayaw maglinis ng kanilang bakuran.

     Hindi kaya sila nahihiyang naaamoy ng mga dumaraan at mga kapitbahay ang alingasaw ng kanilang bahay,” sabi pa nito. Dugtong pa nito.  “Yung tatay ni Sarah, mahilig magsugal, sabungeo, lagi raw humihingi ng pera kay Aling Divine, para di na mag-away, nagbibigay na lang si Divine. Pero si Sarah, daming balita na ni hindi nakahahawak ng perang kinikita niya. Halos wala siyang tulog, puro pagpapasarap lang ang kanyang pamilya.”

    Ni hindi na nga raw nakapag-debut ng bongga si Sarah,sa halip sa ASAP lang ito ginawa. Kumontra daw kasi yung dalawang kapatid na babae ni Sarah dahil sila di rin nakaranas na magkaroon ng debut party.

    Mahirap talaga palang buhay ni Sarah, kaya siguro mas maganda lang itong tigil muna siya sa trabaho at asikasuhin naman ang sarili. Pati lovelife niya noon, isinakripisyo, alang-alang sa  mga kapatid na mga batugan naman.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here