Sampung taong di nagpakita, biglang lumitaw si Analou Lorenzana

    140
    0
    SHARE

    Parang kailan  lang talaga yung nasa mainstream na rin si Analou Lorenzana. Si Analou po ay dating talent promoter sa Japan na nagkaroon ng puwang sa showbiz bilang singer.

    Nakapagpatayo siya noon ng isang sosyal na bar sa Timog na halos tambayan na ng mga taga-showbiz. Dami recollection ni Analou sa kanyang bar pero klasik yung mga revelation niya abot an aged singer at isang dating barakong aktor na ngayon ay sinabing nagladlad na.

    “Nakakaawa na ngayon yung may edad ng singer, isang araw, tinawagan niya ako, humihingi ng tulong, wala na raw siyang pera at maysakit ang kanyang anak”

    Yung actor naman minsan nagkita kami, nagtawanan na lang kami, sabi ko, marami pa siyang utang sa kain dahil sa mga binasag niya sa aking bar noon,” sabi pa ni Analou.

    Well, off the record yung mga kuwento kaya wa muna name names tayo sa kanila. Dagdag na kuwento ni Analou ay yung reklamo sa isang lady reporter na trumaidor daw sa kanya.  Na oras na makita raw niya ito, maghahalo ang balat sa tinalupan.

    Sobrang grabe raw talaga na ipinakilala na ni Analou sa isang group of friends at nagkapera nang malaki ang lady reporter, pero sa bandang hulo, siya pa’ng siniraan nito.  “Lagot siya sa akin, harinawa, ‘wag magkrus ang aming landas, dahil pag nagkataon, ibabalik ko ang  ___ niya. Sinasya naming gawing blangko yung bahagi ng katawang ibabalik ni Analou dahil giveway ito na kapag sinabi namin, siya na yun, walang misteryo.”

    Anyway, Analou is now co-managing Sophie’s Comedy Bar and Resto na nasa BF Homes malapit sa Tahanan Village.  It is the only comedy bar along the circuit kaya madalas dayuin ito ng mga customer, particularly yung mga konektado sa politics.

    Annalou and Architect Rhodel who co-owns Sophie’s Bar believe na dadayuin nga ang lugar nila na pawing magagaling ang mga bading na komedyante at singer. And take note, may special day sila on Tuesdays na featured ang isang magandang singer na sexy at parang labanos sa kaputian. When we visited the place, bongga, dahil nag-sample ang mga bading, pati na yung female performer na may screen name na GARA. Biritera ito and she can give any other singer in the biz a run for their money.

    Analou is now dreaming to continue where she left off. Di ba, siya yung manager noon ni Rizza Villafuerte na sexy star sa Seiko Films. Sa hindi maganda nagwakas yung samahan nila pero this time, with GARA as her talent, lahat daw talaga, gagawin niya para mapasikat ang kanyang alaga.

    Welcome back Analou Lorenzana!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here