Sarah Geronimo di pa handang amining mahal niya si Gerald Anderson

    331
    0
    SHARE

    Inamin ni Sarah Geronimo na hindi pa siya kumportableng pag-usapan ang tungkol sa panliligaw ni Gerald Anderson sa kanya.

    Matatandaang umamin na ang young actor sa The Buzz din na nililigawan niya si Sarah kaya ang reaksyon naman ng aktres/singer ang hinihintay ng lahat.

    Pero mukhang hindi pa ready si Sarah na pag-usapan ang tungkol dito at aniya, basta okay sila ni Gerald.

    When asked kung totoo ngang nanliligaw si Gerald, aniya, “hindi po talaga ako kumportableng pag-usapan ’yan.”

    Pero napa-oo naman siya nang tanungin kung napapasaya ba siya ni Gerald.

    Anyway, komento naman ni Toni Gonzaga, sa tingin daw niya ay matatagalan pa bago umamin sina Gerald at Sarah. Kung anuman ang aaminin, ’di na sinabi pa ng TV host.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here