Sangguniang Kabataan dapat ng buwagin

    458
    0
    SHARE
    Panahon na siguro para aprobahan ng Senado ang isinusulong na panukala ni Senador  Nene Pemintel, ang pagbuwag sa SANGGUNIANG KABATAN (SK) MEMBERS na isa sa mga nakikitang maaring pagmulan ng CORRUPTION sa mga Kabataan sa bansa.

    Dahil ang mga kabataan ito ay nagagamit lamang ng mga mapagsamantalang PULITIKO lalo na ngayon nalalapit na naman ang ELEKSYON.

    Isa pang nakikitang dahilan, malaking dagdag sa gastusin sa pamahalaan ang pinapasweldo sa mga ito na hindi naman nagtatrabaho at milyong piso ang nawawala kada buwan sa kaban ng bayan.

    Gaya na lamang sa Municipal Level magbobotohan ang mga nanalong SK members sa bawat bayan para sa Provincial Level at ang mananalo dito ay masasama ito sa hanay kung tawagin ay BOARD MEMBER.

    Halimbawa na lamang, kung ang isang BOARD MEMBER ay sumosuweldo ng Php20,000 kada buwan ganun din ang susuwelduhin ng SK Member na nahalal bilang representative ng SK Member sa Provincial Level.

    Maliwanag pa sa sikat ng araw. Yan ang di nakikita ng ilan natin mga kababayan na isa sa dagdag gastusin sa gobyerno na nagpapasuweldo ng walang ginagawa.

    Aber, sige kayo ang magsabi, yung bang mga SK Members na nasa Barangay, Bayan at Probensiya ninyo may mga nagawa na ba yan para sa bayan?

    Kung mayroon man, nakakasiguro ba tayo na ang mga SK members na yan ay nagtatrabaho  ng maayos?.

    Karamihan sa SK Members ay nag-aaral sa Metro Manila, ilan buwan silang nawawala sa kanilang bayan at probensiya, pero! tuloy ang mga suweldo ng mga ito at saka lamang babalik kapag SEMESTER BREAK na, para kunin ang sweldo, di ba?

    Maliwanag din na ang ganitong sistema ang siyang pinagmumulan ng CORRUPTION na sa murang isipan ng mga ito ay natutotong gumawa ng kabulastugan ang mga ito dahil ginagamit sila nina MAYOR, GOVERNOR, CONGRESSMAN at SENADOR, tama ba ako o hindi? Huwag na tayong magbulag-bulagan sa katotohan, kailangan buwagin na yang SANGGUNIANG KABATAAN.

    Peste! Wala namang pakinabang ang mga SK na ito sa Barangay at Komunidad natin, bi ba? Natuturuan lamang ang mga SK na yan para mamolitika.

    Maari siguro yung mga magulang ng mga SK na yan ay TUWANG-TUWA sa kanilang anak na sumo-sweldo ng walang ginagawa, he he he he.

    Batay sa obserbasyon ng CASTIGADOR karamihan sa mga SK ay lumalapit sa mga pulitiko para sa mga proyekto kuno! Gaya ng pagpapatayo ng BASKET BALL COURT sa mga kabataan sa kanilang lugar na hindi naman ang kop sa ikagaganda ng kanilang Bayan at Barangay, puro luho lamang ito, at hindi masasabing kasama sa pagundlad ng bawat komunidad.

    Para sa mga SK Members, huwag kayong maglit dahil itinutuwid ko lamang ang tamang landas, dahil hindi ninyo nakikita na ginagamit kayo ng mga pulitikong “pulpol”  sa kanilang ambisyon sa pulitika.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here