Sampung milyong piso para sa isang gabing concert ni Alden Richards

    274
    0
    SHARE
    Kinagat kaya ang alok ng dating member ng now-defunct youth-oriented TV program na “That’s Entertainment” turned concert producer-businessman na si Joed Serrano ng GMA Artist Management sa kanyang offer sa hottest bae sa kasalukuyan na si Alden Richards for a first major concert na malamang gawin sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon sa 55, 000 seating capacity na Philippine Arena.

    Tumataginting na P10-M ang offer ni Joed kay Alden at meron na siyang nakalatag na kontrata. Maging ang tseke ay nasa kamay na mismo ng tatay-tatayan sa showbiz ni Joed na si Kuya Germs Moreno.

    Inalok din ni Joed si Maine `Yaya Dub’ Mendoza ng ganunding halaga pero ito’y tinanggihan ng management ni Maine dahil hindi naman ito singer pero malamang na um-okey sila bilang guest sa concert ni Alden. Willing ang concert producer na bayaran si Maine ng P5-M bilang guest performer. Tig-iisang milyong piso naman ang offer ni Joed sa tatlong `lola’ na sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros bilang special guests.

    Marami ang nalula sa alok ni Joed pero ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit hanggang ngayon ay tila pinahihirapan pa rin siya na makuha ang serbisyo ni Alden to do a major concert.

    “No one would pay him (Alden) that much,” pahayag ng isang showbiz insider.

    May isang observer ang nagsabi na kapag hindi nakuha ni Joed si Alden sa major concert na binabalak niya for February, may ibang plano ang GMA Artist Center. Malamang na makipag-alyansa ito sa management ni Maine Mendoza at sila na mismo ang mag-produce ng concert.

    Napag-alaman namin na si Joed sana ang magpu-produce ng Manila concert ni Barry Manilow pero umatras siya dahil mas gusto niya si Alden with Maine and the three `lolas’ as special guests.

    Makuha lamang ni Joed ang sagot ng GMA Artist Center ay willing siyang ibigay ng libre sa Kapuso Network ang TV rights ng concert. Nangangahulugan ito ng additional revenue for the concert producer.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here