Sam Milby reunites with former flame Anne Curtis

    4151
    0
    SHARE

    WALANG PROBLEMA kay Sam Milby kung idinagdag man ang karakter niya bilang Liro sa Dyesebel.

    Say niya, masaya na raw siya na makasama sa napakalaking proyektong ito at makatrabaho ang mga bigating cast ng serye.

    Although aniya, nahirapan siya talaga at first sa kanyang role bilang sireno even before the taping started. “Ang daming training sessions para sa swimming.

    Si Anne (Curtis) marami nang training sessions nung dati pa for Dyosa but ako, first time na gaganap ako bilang isang merman, so napakahirap para sa akin na magmukhang natural sa tubig na hindi ako nahihirapan,” say ni Sam.

    At hanggang nagti-taping na sila, talagang nahirapan pa rin daw siya. “It was difficult for me kasi when you’re swimming akala mo okay na. Pero ’pag nakita mo na sa screen, hindi pala okay, mukhang awkward na nahihirapan talaga ako, so it was a lot of training for me para masanay talaga sa tubig,” say pa ng aktor.

    Bukod sa swimming lessons ay nag-gym din si Sam para nga naman maganda ang katawan niya sa screen since lagi nga raw siyang nakahubad. Sam is also happy na sa pamamagitan ng Dyesebel ay muling na-renew ang friendship nila ng ex-girlfriend na si Anne.

    Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkakasama sa isang teleserye at aminado siyang naisip niyang baka magkaroon ng awkwardness sa first taping day. “Actually for me naiisip ko for the first day of taping akala ko magiging awkward or something like that but not at all. It was really nice,” kuwento pa ni Sam.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here