Ryzza Mae Dizon nag-iisa lang sa kanyang trono

    77
    0
    SHARE

    KABILANG SI Ryzza Mae Dizon sa mga tumanggap ng award sa nakaraang Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA).

    Napanalunan niya ang breakthrough talk show host award at wala sigurong kukontra dahil at her age at kahit walang experience, kayang-kaya niyang patakbuhin ang kanyang show.

    Samantala, tuluy-tuloy ang pagtulong ni Ryzza sa mga biktima ng Bagyong Yolanda. Nauna na siyang nagbenta ng kanyang mga damit at sinundan ng pagtatayo ng The Ryzza Mae Christmas Tree na tumatanggap ng regalo mula sa celebrities at ordinaryong tao para ibigay sa mga bata sa Visayas.

    Also, natuloy ang guesting nina Kris Aquino at Bimby sa Vampire Ang Daddy Ko last Tuesday para sa promo ng My Little Bossings. Nag-post si Kris ng picture sa Instagram sa breaktime ng taping at kitang sabay-sabay na kumain ang cast, sa pangunguna ni Vic Sotto.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here