Thea Tolentino gains self-confidence from present soap

    77
    0
    SHARE

    MALUNGKOT SI Thea Tolentino sa pagtatapos ng launching series niyang Pyra Ang Babaeng Apoy.

    Naging konsolasyon nga lang niya ang pagiging open sa kanya ng ka-loveteam na si Jeric Gonzales dahil nasasabi na nito sa kanya ang problemang dumarating sa binata.

    “Compared sa dati naming relationship, ngayon, mas naging close kami (ni Jeric). Hindi siya masyadong nag-u-open. ’Yung problems niya, sinasarili niya lang. Hindi niya sinasabi noon kahit kanino.

    “Tapos nitong Pyra, dahil nagkasama rin kami sa workshop, hayun, doon nagsimula ’yung maging close talaga kami. Nagkaroon kami ng parang open up portion,” paliwanag ni Thea nang makausap ng press sa last taping day ng GMA afternoon series.

    Siya ba, pinuproblema ni Jeric? “Hindi naman siguro, hahaha! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, hahaha!” rason ng winner ng Protégé.

    Feeling ni Thea, nag-improve naman ang akting niya. Nakatikim din siya ng negatibong komento sa akting niya nang lumabas siya sa Anna Karenina. Pero ngayon sa Pyra, may natatanggap na rin siyang positibong komento.

    “Nu’ng binigyan ako ng Pyra, nagbago na ’yung text sa akin. Sa Anna Karenina raw kasi, epal ako sa tatlo.

    Natutuwa naman ako dahil ’yung basher na ’yon, kumampi na sa akin, hahaha!” sabi niya. Kung merong magandang nangyari kay Thea sa pagbibida, ’yun ay ang pagkakaroon niya ng confidence.

    “Nu’ng una, nangangapa pa ako. Hindi ko alam sa kada linya, ganito ’yung emotions na nararamdaman.

    Dito ko ’yun natutunan. “Masarap din kasing maging bida. Bukod sa bida ka, time mo ito na may mapatunayan.

    Saka, madami kang eksena. Kada eksena mo, marami kang matututunan. “Ang problema ko lang dito, ’pag nagkagulo lang. Like ’pag heavy ang eksena, tapos, lahat tayo mangangarag din. Minsan, kunwari, nakatali ang buhok. Siyempre, ’pag pagod na rin lahat, hindi natin maiwasan mapagod at hindi natin maiwasan na ‘yung utak natin, lulutang na talaga. Hindi natin maiwasan na may makalimutan tayong bagay.

    “Pero na-develop dito ang self-confi dence ko. Dati kasi, mahiyain talaga ako. Ngayon, nabawasan na, hahaha!” katwiran ni Thea. After Jeric, gusto naman niyang subukan na maging kapareha si Ken Chan matapos silang magsama sa isang episode ng Maynila.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here