Roxee B biktima ng tsismis

    517
    0
    SHARE
    IBA ang ipinarating kay Roxee B kaugnay ng tsismis na tinanggal na siya sa cast ng Viva drama na Bakit Manipis ang Ulap?

    “Ganoon naman po, kumbaga, ang takbo ng showbiz at trabaho. Kahapon (meaning, Martes), iba ang pinarating sa akin. So, ’yun po ang inaabangan ko.

    “Ginagalingan ko naman po ang bawat eksenang binibigay ko,” sabi ni Roxee. Pero wala na siya sa programa?

    “Iba po ang sinabi sa akin, pero sige po,” tugon niya. “Siguro, sa hosting naman po, patuloy ako sa PBO at sa Bet ng Bayan. Isang malaking karangalan na makasama ako sa Happinas,” dagdag niya.

    So, on hold muna ang pagpapakasal nila ni Will Devaughn dahil busy siya sa career niya ngayon?

    “Hindi naman po. Any moment na na-feel na namin ang urge, wow! ’Pag right time na po.

    Wala naman pong nangyari. Pinapauna muna namin ang barkada namin. Gusto naming mawitness lahat. Gusto kong maging bridesmaid sa lahat, hahaha!” sagot ni Roxee.

    Pero hindi pa sila nagli-live-in ni Will?

    “Hindi pa naman po, dalaw-dalaw lang!” sey niya.

    Sleep over?

    “Minsan po, ’pag weekends, hahaha!” deklara ni Roxee.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here