Rosanna Roces nakisawsaw sa intrigang Coco-Nora

    125
    0
    SHARE

    NAKAAGAW ng atensiyon sa amin ang pinost kahapon sa kanyang Facebook account ng isang Noranian na nagngangalang Felix Diaz.

    Unang pinost niya ay may interview daw si Boy Abunda kay Coco Martin sa The Buzz at sabi ni Coco ay masama raw ang loob ni Nora Aunor sa kanya ayon sa post.

    Pero hindi namin pinansin yun mas na-curious kami sa pangalawa niyang post na ‘Bakit Hindi na-recieve ni Coco ang mga txt ni Ate Guy? At bakit di na-recieve ni Ate Guy ang txt ni Coco?’

    Marahil ang post na ito ay nanggaling sa sinabi ni Coco habang iniinterbyu siya ni Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo. Dito na kami nagka- interes at binasa ang mga nilalamang comments ng post.

    Siyempre, karamihan sa mga nag-comment ay mga fans ng Superstar at inaasahan na ang hindi magandang komento na manggagaling sa kanila. Karamihan sa mga comment ay nagparamdam ng pagkainis o sabihin na nating galit kay Coco.

    May mga iba rin naman na cool lang pero may isang nagkomento na ikinagulat namin. Siya ay si Jen Cruz Adriano na mas kilala sa showbiz bilang Rossana Roces. Galit na galit ang aktres kay Coco Martin at sobrang masasakit ang mga naging komento niya against Coco. Eto ang mga komento ni Osang: last text…..COCO MULA NGAYON PINAPAALAM KO SA YO NA ..WALA NA AKONG RESPETO SA YO!

    Boom!!! aray! sabi ko buti nga puta..bat naging kupal yun?? napaka late nyang magsalita… letse sya sya me utang ke ate guy ..last day ng PDF di kami nagpabayad lahat dahil si ate guy pasimuno.

    Inumaga pa yun at nagkasakit ako ng Pertussis. pati mga noranians na sumali sa set ng movie di din nagpabayad.. txt lang tinipid nya pa din?

    hijo _____ di ba. kaya nga yung binigay nyang folding bed ke ate guy pinapasoli nya..sabi ko akin na lang..ihahampas ko sa mukha ni coco. sumama talaga loob nya dyan ..ininda nya yan.

    Sa mga komento ng aktres ay si Coco pa raw ang may utang ke Nora dahil sa last shooting day ng pelikulang ginawa nila na Padre de Familia ay wala silang bayad dahil si Ate Guy ang nagpasimuno na huwag nang magpabayad.

    Naniniwala kami na nagsasabi ng totoo si Osang sa bagay na ito. Naiintindahan namin kung bakit ganoon na lang ang galit niya dahil sa pakiramdam niya siguro ay kailangang malaman ito ng mga tao dahil hindi maganda na ang lumalabas na balita at paninira sa kanyang kaibigang Superstar.

    Maaaring hindi niya matanggap na sa kasagsagan ng maling pagbabalita kay Nora ay hindi man lang pinagtanggol ni Coco ang kaibigan at nanahimik siya sa isyu. May mga pagkakataon din na tumatawag si Nora sa aktor ay hindi man lang niya sinasagot ito.

    Pero base sa interbyu ke Coco sa The Buzz ay sinabi ng aktor na tinetext daw niya si Nora ganundin ang mga pahayag ng kanyang manager na si Biboy Arboleda sa kanyang mga interbyu na naisulat ng press.

    Ang pinag- ugatan pala ng lahat ng ito ay ang paglabas ng malisyosong balita na kagagawan ng dating Vilmanian writer na pinagkalat at naisulat na nauubos daw ang savings ni Coco dahil sa pangungutang ni Nora at ang aktor pa raw ang nagbabayad sa inuupahang condo unit ng Superstar.

    Well, ang masasabi lang namin dito ay dapat nga namang nilinaw ni Coco ang bagay na ito bago sumama ang loob ng tinatawag pa niyang Inay na si Nora. Sana hindi na niya pinatagal pa na lumala ang sitwasyon.

    Ngayon siya nagpapaliwanag sa kasagsagan ng promo ng pelikula niya kaya nahahalatang gumigimik siya at may paiyak- iyak pa siya dahil masama raw ang loob niya kasi galit sa kanya si Nora Aunor.

    Ito namang manager niyang si Biboy na sa tuwing nababasa namin ang mga pahayag niya ay hindi namin makitaan ng anumang malasakit ke Nora. Baka nga ito pa ang nagsasabi ke Coco na wag sagutin ang mga tawag ng aktres. Dapat nga kung di man maipagtanggol ng alaga niya si Nora ay siya na ang maglinaw ng isyu.

    Hindi biro ang ginawang sakripisyo ng aktres pati kasamahan niya sa hindi nila pagpapabayad ng kanilang serbisyo sa huling araw ng shooting ng pelikula. Sabagay, itsura pa lang ni Biboy ay… ay ewan!!, Bigla tuloy may mga lumalabas na ganyan na hindi alam ng tao.

    Kung tutuusin pala, si Coco pa me utang ke Nora. Sana nakita nila ang kabaitan ni Ate Guy at hindi na lumala pa ang sitwasyon. Maaaring ang aktres ay hindi diretso ang buhay pero hindi ugali ni Nora ang magsinungaling at naniniwala kami sa pagsasabi niyang tumatawag siya ke Coco pero hindi ito sumasagot .

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here