Coco Martin zero ang lovelife

    89
    0
    SHARE

    AYON KAY Coco Martin, wala siyang alam sa estado ng love life ni Sarah Geronimo dahil hindi naman daw nila napag-uusapan ang mga bagay na ito habang ginagawa nila ang movie nilang Maybe This Time.

    Puro tungkol sa trabaho raw ang pinag-uusapan nila, tungkol sa karakter nila bilang Tonio at Teptep at kung paano pa mapapaganda ang pelikula.

    Say ni Coco, siyempre, mahihiya naman daw siya na magtanong kay Sarah ng love life nito pero ang sure raw niya, masaya raw ito parati sa set.

    “Nakita ko sa kanyang masaya siya ngayon. Sobrang bait niya sa lahat. ’Pag may fans na dumadalaw sa set, kahit sobrang pagod siya, hinaharap niya. And for me, sa lahat ng hirap, pagod, pagsasakripisyo para sa pamilya niya at paghahanda para sa future niya, siguro kung anuman ang meron si Sarah ngayon, she deserves it,” sabi ni Coco.

    Kung siya naman ang tatanungin tungkol sa love life niya, zero pa rin daw talaga at choice naman niya ito dahil nga mas inuuna niya ang mga trabahong nagdadatingan. Sayang nga naman kasi kung pakakawalan niya dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay may oportunidad na dumarating.

    As for Sarah, she describes Coco as a “thinking actor” at talagang ito raw ang hinangaan niya sa leading man.

    “Forever ko itse-cherish (working with Coco), kasi nung nagkawork kami sa Idol, we never got the chance na mas makilala ang isa’t isa, mas ma-improve pa ang rapport namin as love team.

    “Pero this time, sana tumagos sa mga puso ng mga manonood ’yung nabu-ong magandang working relationship namin ni Coco. Nagtutulungan po kasi kami ni Coco dito. Na-appreciate ko na talagang thinking actor siya,” say ni Popstar.

    Ilang tulog na lang at mapapanood na ng madla ang Maybe This Time. The movie is showing on May 28 at bukod kina Sarah and Coco, kasama rin sa movie sina Ruffa Gutierrez, Ogie Diaz, Dennis Padilla, Buboy Garovillo, Sharmaine Buencamino, Tony Mabesa, Mariann Flores, Zeppi Borromeo at marami pang iba sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here