Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Lovi Poe pumirma na ng kontrata sa TV5

    428
    0
    SHARE
    Tiyak na pagpipistahan ang isyung ito. Mismong isang taong sobrang malapit kina Regine V at Ogie Alcasid ang namalitang nakapirma na ng kontrata ang dalawa sa TV5.  “Tatapusin lang ni Regine yung Diva para sa GMA 7. Hindi na siya pipirma ng renewal sa GMA 7, dahil pumirma na sila ng isang taong contract sa TV5 along with Lovi Poe at iba pang alaga ni Leo Rodriguez,” excited na pagkukuwento pa ng aming source.

    Naniniwala na kami sa sinassabi ng mga executive ng TV5 na talagang desidido na silang sumabay bilang ikatlong puwersa sa tv industry. Hindi na nga raw sila papayag na lagging Dos at Siyete lang ang may-ari ng industryang ito. This year they viow to snatch some significant rating at yan ay pinatutunayan na nilang kaya nila itong gawin.

    For a start, ilan celebs ang na-pirate na nila at heto nga kasunod na sina Regine at Ogie.  “Actually, hindi na nakuhang tanggiahn ang very tempting offer sa kanila. Sobrang laki ng perang involved at puwede mo nang sabihing magbubuhay-hari at reyna sina Regine at Ogie dahil sa laki ng bayad sa kanila,” sabi pa ng kausap namin.

    At dahil nga napapirma na ng TV5 ng kontrata’ng dalawang higanteng ito, hindi na nga siguro malayong kasunod nang lilipat ang ilan pang malalaking artista mula sa Dos at Siyete. When this happens, aba, posibleng manguna na sa rating ang TV5.

    Abangan natin kung sinong giant tv celebrities ang puwedeng mahila ng TV5 na maki-join din sa kanila.

    By the way, part of the package pala kung bakit napapayag sina Regine at Ogie ay dahil sa OPM ng TV5 or shall we say , incorporated sa kontrata na anumang endeavors, particulary concerts ay bibigyan ng malaking promosyon ng Singko. Hindi raw gaya ngayong sa GMA 7 sila, walang pakialam ang network sa mga ourtside deals ng dalawa.

    Talaga?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here