Home Headlines Pulisya ng Bulacan may bagong hepe

Pulisya ng Bulacan may bagong hepe

449
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Pormal ng naupo si PCol. Relly Arnedo bilang Acting Police Provincial Director sa Bulacan.

Sina PBGen. Cesar Pasiwen (gitna), Regional Director ng Police Regional Office 3, PCol. Relly Arnedo (kanan) bagong Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office at outgoing provincial director PCol. Charlie Cabradilla (kanan) sa ginanap na turn-over ceremony. (Bulacan PNP)

Tinanggap ni Arnedo ang bagong tungkulin at binigyan diin sa buong kapulisan ng Bulacan ang pagpapatuloy ng maigting na kampanya kontra ilegal na droga at paglaban sa terorismo.

Gayundin lalabanan ng kapulisan ang lahat ng uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Tiniyak pa nito na patuloy ang pagsasagawa ng “internal cleansing sa kanilang hanay upang mawala ang tinatawag na “bad apples” sa organisasyon.

Buo rin ang kanyang suporta sa peace and security framework ng hepe ng pambansang pulisya na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran o MKK=K.

Bago naupo bilang Acting Provincial Director, si Arnedo ay naging hepe ng Regional Investigation Detection and Management Division ng Police Regional Office 1.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here