Pulis, sibilyan binaril sa videoke bar, patay

    535
    0
    SHARE

    MASINLOC, Zambales – Dead on-the-spot ang isang kagawad ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team (ZCIDT) at isang sibilyan makaraan ang mga ito ay pagbabarilin ng di kilalang suspek sa loob ng videoke bar sa Barangay Collat sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

    Kinilala ni Senior Inspector Pancho Doble, hepe ng Masinloc PNP, ang mga biktimang sina PO2 Louie Christian Ejanda, 32, at Rose Dick Peralta, 28, pawang mga residente ng Barangay Taltal.

    Sa imbestigasyon ng pulisya nag-iinuman ang mga biktima sa loob ng Carlitos Video Bar sa Barangay Collat nang biglang pumasok ang suspek na armado ng baril at saka pinagbabaril ang mga biktima.

    Ang suspek ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Masinloc PNP at ng ZCIDT sa motibo ng pagpatay at pagkakakilanlan sa suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here