Home Headlines Pulis-HPG huli sa buy-bust

Pulis-HPG huli sa buy-bust

1969
0
SHARE

Iniharap ni Mabalacat police chief Lt. Col. Eduardo Guevara kay Mayor Cris Garbo ang arestadong pulis. Kuha ng Mabalacat CIO



LUNGSOD NG
MABALACAT — Timbog ang isang nagpakilalang pulis sa isang drug buy-bust na inilatag ng kapulisan ng lungsod sa pangunguna ni Lt. Col. Eduardo Guevara madaling araw ng Linggo.

Kinilala ni Guevara ang na-aresto na si Francisco Ganao, 47, residente ng Metro Clark Subdivision, Barangay Biabas sa lungsod na ito at nagsabi umanong miyembro ng PNP at nakatalaga sa Highway Patrol Group sa Camp Crame, Quezon City.

Humigit kumulang sa P100,000 ang halaga ng nasamsam na mga pakete ng hinihinalang shabu mula sa suspek, ayon sa report.

Nahaharap ngayon si Ganao sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here