Principal pinatatanggal ng mga magulang

    550
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Nag-rally sa harap ng Old Cabalan IntegratedSchool (OCABIS) ang ilang  mga magulang at    opisyal ng barangay upang  manawagan sa DepEd na tanggalin ang principal ng nasabing eskwelahan  na ayon sa   kanila ay nasasangkot  sa mga katiwalian at pang-aabuso ng kapangyarihan. 

    Iniimbestigahan ng  Department of   Education  (DepEd) Region 3 si Fina Fadera, principal ng nasabing paaralan, bunsod ng  mga reklamong “grave  misconduct at unethical  behavior” na inihain ng mga magulang at ilang guro sa OCABIS.  Ipapatawag ng Division of  City Schools si  Fadera upang dinggin at sagutin ang reklamong laban sa kanya.  Ayon sa mga nagrereklamo, si  Fadera ay nagmamalabis sa kanyang  tungkulin dahil sa hinahayaan umano nito ang kanyang asawa at mga  anak na  gamitin ang ilang Principal pinatatanggal ng mga magulang  mga gamit at pasilidad ng paaralan, tulad ng aircon    at computer sa maghapon kahit wala sa opisina si Fadera.

    Ayon pa sa mga ito,  may mga iregularidad ding ginagawa   si Fadera sa loob ng paaralan at ilan sa mga ito ay  ang pagpapatrabaho sa kanyang asawa ng ilang  mga  proyekto sa paaralan  na dapat umano ay dumadaan sa bidding tulad  ng paggawa ng isang table tennis board  at ilang  mga cabinet. 

    Pwersahan din umanong naniningil si Fadera ng piso sa mg mag-aaral  araw-araw bilang pambayad sa tubig at kuryente  ng paaralan na ayon sa  mga magulang ay bawal.Pinasunalingan naman ni Fadera  ang mga akusasyon na ibinabato laban  sa kanya. Ayon kay Fadera, galit  lamang ang mga nagrereklamo laban sa  kanya dahil sa mahigpit niyang ipinapatupad ang mga  regulasyon sa paaralan.

    Dagdag pa di Fadera na madalas makita sa kanyang opisina ang  kanyang asawa dahil umano ito ang naghahatid  at sumusundo sa kanya sa paaralan.  Wala din umanong nakikitang masama si  Fadera kung nakikita ang kanyang asawa sa loob ng kanyang  opisina at gumagawa ng ilang proyektosa loob ng paaaralan dahil  hindi umano ito bawal.Handa umanong harapinat agutin ni Fadera  ang reklamo laban sa kanya. 

    Nauna nang inereklamo si Fadera noong mga  nakalipas na taon ng mga PTA officers and members   ng Sergia Elementary  School sa Barangay Kalaklan, Olongapo City  nang siya pa ang principal  ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here