Prepaid load walang expiration dapat

    398
    0
    SHARE
    Pero tulad nga ng nasabi na natin
    Ay talaga namang nakapanggigigil
    At mamumura mo ang ‘anak ng teting’
    Sa kung anong klasing text ang sinisingil;

    Na karaniwan ng iba’t-ibang promo
    Ang ikinakaltas ng mga damuho,
    Gayong sila itong nagpadala mismo
    Ng kung anong text na nakakaperwisyo!

    At di lamang piso kundi ng higit pa
    Itong sa atin ay nawawala tuwina,
    Bagama’t di natin hiningi kumbaga
    At yan ay sariling advertisement nila;

    Tama ba naman ‘yung sa ating prepaid load
    Pasimpleng kuhanin nitong Smart at Globe
    Ang airtime ng bawat text na pumapasok
    Sa ating mobile phone (ng walang pahintulot?)

    Na tunay naman ding malaking istorbo
    Sa mga consumers ang ganitong kaso,
    Lalo na sa tulad nitong ibang tao
    Na may mga bagay na ina-asikaso.

    Gaya na lamang ng ibang propesyonal
    O ng tulad nitong ating kabaro riyan,
    Kadalasan dumarating sa ating buhay
    Ang ayaw po nating maistorbo man lang;

    At karaniwan nang mahalaga sa ‘tin
    Ang bawat sandali, lalo’t kung ang ating
    Isinusulat ay kailangang tapusin
    Sa takdang oras na binigay sa atin.

    Aba’y natural lang na mapupundi ka
    Kung maya’t-maya ay ‘unsolicited’ pa
    Ang iyong matatanggap na text sa tuwina,
    Imbes ibang bagay na mahahalaga.

    At tayo pa mandin ang nakakaltasan
    O maituturing na (ninanakawan?),
    Nitong dambuhalang mga Network na yan
    Sa di natin lubos na namamalayan?

    At tunay naman din pong maituturing
    Na diretsahan ng panloloko sa ‘tin,
    Nitong alin man sa dalawang higanteng
    Telecom na walang ginawang magaling;

    Kundi mamihasa’t kumita ng limpak
    Sa di makatwiran po nilang pagkaltas
    Sa ating prepaid load kahit di marapat
    Nilang sa atin ay ibawas at sukat!

    At bakit sa atin nila isisingil
    Ang bayad sa Ads na hindi naman natin
    Hiningi at sila ang nag-sent sa atin
    Ng kung anong text na sa kanila galing?

    Di pa ba kuntento sa kinikita n’yan
    Sa ika nga’y wasto at paraang legal,
    Kung kaya pati na promotion at ibang
    Business gimmick nila’y pasanin ng bayan?

    Buti na lang mayrung tulad ni Enrile
    Na nagbigay sa pansin sa isyung nasabi;
    Kundi kailan pa yan maisusumite
    Sa legal forum o sa Senate Inquiry?

    Kung di ngayon lang na naging kwestionable
    Ang masahol pa sa dilang pang-oonse,
    Sa atin ng mga network na nasabi,
    Na naranasan ni Senador Enrile.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here