Pinoy singer sa Malaysia nagbabalik-Pinas

    525
    0
    SHARE

    Ano man ang mangyayari sa mundo at sa bansa,mangingibabaw at mangingibabaw ang pagiging mapanuyo at romantiko ng Pinoy.

    Isa ang mang-aawit na si Rafael Centenera sa mga kababayan natin na pinapainlanlang ang diwa ng mapanuyo at romantikong Pinoy sa kabila ng lahat.

    By the way, kakaiba ang dating ni Rafael. At age 65, puwedeng sabihing siya na ang pinakamatanda sa mga nagnanais pang magkaroon ng career sa pag-awit. Kumbaga, mga higit na mas bata ang mga kakumptensiya niya.

    But he has an edge over them dahil mismong sa kanya galing, di naman siya baguhan. He has been in the biz for so long at alam na niya kung ano ang larangang pinapasok niya.

    True, very familiar ang kanyang pangalan, noong kanyang kabataan, naging icon din naman siya ng mga romantikong Pinoy.

    "Wala naman sa panahon yan. Sa edad, ko di na kumpetensya ang nasa ko rito, ang makapagpasaya at makapagpaligaya sa pamamagitan ng musika ko, sapat na yun," sabi pa ni Rafael sa aming panayam.

    Isa pang edge ni Raffy ay yung si Vehnee Saturno ang nagsisilbing giya niya sa kanyang pagbabalik. Dati na raw niyang kaibigan si Vehnee, at ngayon  talaga namang inspirasyon si Vehnne para sa kanyang musika.

    Simpleng "Rafael Centenera"ang titulo CD lite album na may anim na awitin para sa walang kupas na pag-ibig.

    lima sa mga iyon  ay may musika at titik ng napakamatagumpay na composer na si Vehnee Saturno, at ang pang-anim ay lyrics n’ya sa musika ng isang Malaysian.

    "Kakaiba ang lyrics ni Vehnee kung Pinoy love songs ang pag-uusapan, napaka-straightforward, walang paliguy-ligoy. Pinoy pero di-tipikal na Pinoy, in a way, pag-a-analyze ni Rafael, na nakakanta sa Ingles, sa Kastila, sa Filipino (o Tagalog), at sa Malaysian.

    Alam n’yo bang si Rafael ang kauna-unahang nag-record ng komposisyon ni Vehnee? "Ang Dahilan" ang titulo ng komposisyon  at isinaplaka yon ni Rafael for Philippine release nung panahon nagbabakasyon siya mula sa Malaysia kung saan isa na siyang established recording artist.

    Higit na nauna yon kesa sa Be My Lady at Sandakot na Lupa na siyang nag-establish naman kay Vehnee sa kamalayan ng mga Pinoy.

    Nakagawa ng tatlong album sa Ingles at isa sa Bahasa Malaysia si Rafael sa Malaysia. Du’n siya mas sumikat kesa dito sa bansa. At pag-ibig ang dahilan kaya halos 30 taon siyang nanirahan du’n.

    Napangasawa n’ya ru’n ang maganda at napaka-charming na boutique owner fashion designer na si Jenny Hui, na isang Malaysian. At bagaman halos mag-iisang taon na si Rafael dito, sinisiguro n’yang walang lamat ang relasyon nila.

    "Kagagaling lang ni Jenny dito. Dinalhan n’ya ako ng mga damit na maisusuot ko sa pagpo-promote ko ng album. She fully supports the fulfillment of my great dream na makagawa ng all-Tagalog album para sa mga kababayan ko dito sa Pilipinas.

    "I’ve devoted to her almost 40 years of my life, so now she’s giving me enough time to fulfill a lifetime dream.

    She knows I will be back with her in no time at all," pagtatapat ng napakaromantikong Rafael. Mai-in love kayo sa mga awiting Ako Pa Rin Sa Iyo, Andrea, Bakit Ikaw, Basta’t Ikaw, Sa Kanya Ba, at Sumayaw ng Salsa.

    Ang Ako Pa Rin Sa Iyo ay lyrics ni Vehnee para sa awiting Ingles na Missing You na likha ng Malaysian composer na si Eric Boon naging hit dito sa Pilipinas nung ini-release bilang single. Ito pa rin ang magiging carrier single ng bagong album.

    Bagama’t likha ni Vehnee ang music at lyrics nung apat pang kanta. iba’t iba ang nag-areglo ng mga ito para makatiyak na may variation sa timpla at istilo ng mga awitin sa album. Kabilang sa mga nag-areglo ay sina Teddy Katindig, Albert Tamayo,  at Elmer Blancaflor.

    Ang Viva Records ang magri-release ng album na ang producer ay mismong si Vehnee Saturno.

    Payapain, punuin ng pagsuyo at romansa ang inyong mundo, laging patugtugin ang album na" Rafael Centenera."

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here