Pinakamatandang bahay na gawa sa kahoy sa Samal, nasunog

    339
    0
    SHARE
    SAMAL, Bataan – Isang bahay na gawa sa kahoy na itinuturing na pinaka-matanda sa Daan-Bago, dito ang nasunog kahapon ng umaga at nag-iwan ng pinsalang umaabot sa P50,000.

    Ayon kay Fire Officer I Enrico Caraan ng Samal Fire Station, nagsimula ang sunog alas-8:15 ng umaga at sa tulong-tulong ng mga firetrucks mula sa kalapit na bayan ng Hermosa, Orani at Abucay ay naampat ang apoy bandang 8:35 ng umaga.

    Aniya, maaaring sa katandaan na ng bahay ay bumagsak ang ilang kawad ng kuryente na nginatngat ng daga at nagdikit na pinagsimulan ng apoy.  Wala namang nasaktan sa pangyayari.

    Ang halos antigong bahay na pag-aari ni Jose Inton, 74, ay napapagitnaanan ng mga firewalls na nakatulong upang mapigil ang mabilis na pagkalat ng apoy sa halos dikit-dikit na bahay sa A. Bonifacio St., Daan-Bago na ilang metro lamang  ang layo sa munisipyo ng Samal.

    Halos mapuno ang daan sa dami ng mga taong nag-usyoso sa fire scene.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here