MALOLOS CITY—Sinimulan na noong Biyernes, Agosto 15 ang countdown para sa "World’s Longest Pastillas" kasabay na rin sa pag-gunita ng ika- 430 anibersayo ng pagkakatatag ng Bulacan bilang isang lalawigan.
Ayon kay Bulacan Governor Jonjon Mendoza, ang 28 araw na countdown sa pinakamabahang pastilyas ay ilalahok sa Guinness Book of World Records sa ilalim ng amazing feats category.
Ani Mendoza, 100 porsiyento ang kumpyansa niya na papasok sa world record ang Bulacan para sa pinakamahabang kakanin.
Ito aniya ang isang paraan upang ipagmalaki sa buong mundo ang produktong gawa sa lalawigan tulad ng pastilyas na kilala rin sa paggawa ng ensaymada, minasa, longganisa at paputok.
Ang pinakamahabang Pastillas na ilalahok ay gagawin sa loob ng 28 araw ay pagtutulungan ng ibat-ibang manggagawa nito sa probinsya na kilala mula sa bayan ng San Miguel at San Ildefonso.
Aniya, ipapakita ng Bulacan sa ika-12 ng Setyembre ang 200 metrong haba ng pastilyas na katumbas ng 5,800 regular na sukat nito upang itala sa Guinness Book of World Records.
Sinabi pa ni Mendoza na matagal nang plano ng Kapitolyo na lumahok sa Guinness upang matulungan sa promosyon ang mga Tatak Bulakenyo kaya naman natutuwa siya na ngayon ay naisakatuparan na ang planong ito.
Ang pastillas ay isang kendi na gawa sa purong gatas ng kalabaw, asukal at pinainitan sa apoy na karaniwang industriya sa mga bayan ng San Ildefonso at San Miguel.
Nakatakdang ilatag ang pinakamahabang pastillas sa Setyembre 12, 2008 sa harapan ng Kapitolyo sa lungsod na ito na may sukat na 200 metro at katumbas ng tinatayang 5, 800 piraso ng regular size pastillas.
Ayon kay Mendoza, isa ito sa mga pinakatampok na gawain sa pagdiriwang ng Singkaban Fiesta mula Setyembre 8 hanggang 12 na may temang "Sipag, Husay at Talino Tatak ng Bagong Bulakenyo".
Aniya, sa pamamagitan nito, maitatampok ang pastilyas at lalo pang makikilala sa pandaigdigang merkado ang mga produktong Tatak Bulakenyo.