Pia Guanio ignores Dina Bonnevie’s advice

    340
    0
    SHARE
    Katuwa yung kuwento ng isang repoter tungkol sa sana’y advice ni Dina Bonnevie kay Pia Guanio concerning sa pagsasaayos ng gusot nila ni Vic Sotto. Tila raw kasi nakarating kay Dina yung problema nina Pia at Vic gayun din yung tangkang  paghabol ni Pia para ayusin ang gusot.

    Sabi raw kasi ni Dina, wag nang habulin si Vic, dahil habang hinahabol daw ito, lalong lumalala ang problema. Kilala nga naman niya si Vic dahil siya ay nagging tunay na asawa nito. Kumbaga, she has the same problem as Pia now so alam na niya kung paano iatake ang problema basing from a real-life experience.

    But did you know, Pia said na ayaw na niyang marinig pa ang mga advice sa kanya ni Dina. Kumbaga, nagpatusada palang yung reporter na sabihin sana kay Pia yung advice ni Dina, she already begged off,  “Please  don’tt want to hear that,” sabi raw ni Ms,. Guanio sa mode na nanlilisik talaga’ng mga mata.

    O well, bat kasi nagbigay ng advice e unsolicited naman. Itong si Dina naman kasi, patol nang patol sa mga tanong ng reporter, di na sinasala kung alin yung maka-score siya o hindi, ayan tuloy, binutata siya ni Pia guanio.

    At si Pia, bakit pa nga naman makikinig sa advice ng kung sino riyan, e sa true lang give up na siya kay vic, wala ang aayusin pa kaya okey na  wala na siyang pakinggan na advice kesyo solicited o kusang binigay ng hindi hinihingi.

    Aanhin pa nga naman ang damo kung patay na ang kabayo.

    Di ba, Ben Dullas Marasigan?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here