Home Headlines PBA legend Vergel Meneses, alkalde na ngayon sa Bulacan

PBA legend Vergel Meneses, alkalde na ngayon sa Bulacan

288
0
SHARE

BULAKAN, Bulacan — Nanalo bilang alcalde ng bayang ito ang PBA legend na si Vergel Meneses ng PDP-Laban.

Naiproklama na si Vergel ng Comelec matapos talunin sa pagka-mayor ang kamag-anak nito na si Piccolo Meneses ng NUP na nanilbihan naman ng dalawang termino bilang konsehal ng bayan.

Nakakuha si Vergel ng botong 23,469 habang si Piccolo naman ay nakakuha lamang ng 16,476 na boto. Lumamang ang basketbolista ng halos pitong libong boto.

Noong halalan ng 2016 ay nauna nang tumakbo si Vergel bilang bise alkalde ngunit hindi pinalad ang basketbolista kontra Mayor Patrick Meneses na bumaba naman ngayong 2019 bilang vice mayor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here