Home Headlines Alkalde sa narcolist muling nahalal

Alkalde sa narcolist muling nahalal

152
0
SHARE

SAN RAFAEL, Bulacan —- Muling nahalal bilang alkalde sa bayang ito si Mayor Cipriano Goto Violago ng PDP-Laban, na kasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanalo si Violago sa kabuuang boto na 36,508 kontra nakalaban niya na si Gen. Frank Villaroman ng PMP na may botong 11,180.

Nauna nang dinepensa noon ni Violago ang sarili na pulitika lamang ang nasa likod ng pagkakadawit niya sa narcolist.

Si Violago ay nasa ika-huling termino na sa muli niyang pagkakahalal ngayong 2019 election.

Ayon kay Violago, masaya siya sa muling pagkapanalo at maipagpapatuloy niya ang kaniyang mga programa partikular ang paglaban kontra droga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here