Pauleen Luna La Primera Contravidac

    300
    0
    SHARE

    NALILINYA sa kontrabida role si Pauleen Luna, wala siyang reklamo at tinanggap na baka dito siya mas effective.

    Sabi nito, lumayo na sa kanya ang chance na magbida, kaya hindi na niya hinihintay.

    Thankful lang si Pauleen na kahit kontrabida siya, gaya sa The Borrowed Wife na ubod siya ng sama, walang umaaway sa kanya. Dahil daw ito sa Eat Bulaga na pambalanse sa pagiging bad niya.

    Na-realize rin niyang mas mahirap maging bida dahil madalas inaapi at iyak nang iyak at simple ang ayos. Sa The Borrowed Wife nga naman, bilang si Tessa, lagi siyang pabulosa sa mga eksena, galit-galitan lang at pairap-irap lang.

    Aalis sa April 9 sina Pauleen at mga kasama sa Eat Bulaga para mag-show sa Canada. Siyempre, may bonding time na naman sila ni Vic Sotto.

    Hindi raw nagseselos ang BF sa kissing scenes niya, pero minsang manood ito ng The Borrowed Wife at may kissing scene sila ni Rafael Rosell, nilibang niya si Vic para hindi mapanood ang eksena.

    Anyway, ready nang mag-asawa si Pauleen kung gugustuhin nila ni Vic at gusto niya church wedding dahil ’yun ang gugustuhin ng kanyang parents sa kanya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here