Darius Razon di makalimot sa mga trahedya

    539
    0
    SHARE

    EMOSYONAL ang naging panayam ni Cristy S. Fermin sa dating singer na si Darius Razon para sa Showbiz Police na magsisimulang mapanood kahapon.

    Matatandaang namatayan ng dalawang anak si Darius sa magkahiwalay na taon. Taong 1992 nang mamatay sa sunod ang anak niyang babae na si Darleen Gaye at taong 2006 naman nang yumao si Denver John dahil sa aksidente.

    Kahit matagal na panahon na ang nakalipas, damang-dama pa rin ni Darius ang sakit sa pagkawala ng kanyang dalawang anak. “Nu’ng una, naging napakahirap na para sa akin ng pagkawala ni Darleen, tanong ako nang tanong nu’n sa Diyos kung bakit, wala akong mahanap na sagot.

    Naging mahigpit ako kay Denver dahil takot na takot na akong mawala pa siya, nag-iisang anak ko na lang siya, pero kinuha rin siya sa akin. “Wala pang sagot hanggang ngayon ang mga tanong ko, pero ayoko nang magtanong pa uli, gusto ko na lang tanggapin ang mga nangyari sa mga anak ko, pero araw-araw na ginawa ng Diyos, iniiyakan ko pa rin ang pagkawala nila,” pahagulgol na kuwento ni Darius kay Nay Cristy.

    Ang nakakakilabot, habang nag-iinterbyuhan sila ay lumabo ang mga ilaw sa paligid at bumagsak at nabasag ang frame kung saan naroon sina Denver John at Darleen Gaye. “Nandito ngayon ang mga anak ko, hanggang ngayon, hindi nila ako iniiwan, palagi silang nagpaparamdam sa akin.

    Kinakausap ko sila, nagpapasalamat ako sa kanila, gusto ko nang sumunod sa kanila,” umiiyak pa ring sabi ni Darius na talaga namang nakakaantig ng puso. Hanggang bukas mapapanood ang exclusive interview kay Darius sa Showbiz Police sa Cornered by Cristy segment.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here