Home Headlines NE solon pabor sa pansamantalang pag-alis ng excise tax

NE solon pabor sa pansamantalang pag-alis ng excise tax

617
0
SHARE
Rep. Julius Cesar Vergara sa pagpupulong ng House committee on energy. Contributed photo

LUNGSOD NG CABANATUAN – Nagpahayag ng suporta si Nueva Ecija 3rd District Rep. Julius Cesar Vergara sa panukala na pansamantalang pag-aalis ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa gitna ng pagsirit ng presyo nito.
Ayon kay Vergara hindi sapat ang ayuda ng ibibigay ng gobyerno sa ilang sektor kung mananatili ang napakataas na presyo ng langis.

Si Vergara ay vice chairperson ng committee on energy sa House of Representatives.
Ang posisyon ni Vergara sa panukala ay nauna na niyang inihayag sa pagpupulong ng komite kung saan tinalakay ang mga hakbang na maaaring gawin ng Kamara upang makatulong sa mamamayan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
“Binigyang-diin ko na ang subsidiyang ipapamahagi ng pamahalaan ay maaaring hindi sapat kung mananatili pa rin ang ipinapataw na buwis sa gasolina,” ani Vergara.

Kung pansamantala aniyang masususpinde ang excise tax ay mas mararamdaman ng taumbayan ang agarang ginhawa at tulong mula sa pamahalaan.

“Kung magbibigay ang Departamento ng Agrikultura sa mga magsasaka, maliit ‘yun. Magbibigay ang DOTr (Department of Transportation) sa transport sector, mag-aaga-agawan ‘yan,” sabi pa niya sa komite.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here