LIMAY, Bataan – Ang batang lalaking sinasabing makulit ngunit mabait dito ay wala na at hindi na matutupad ang pangarap na maging inhinyero.
Si James (hindi tunay na pangalan), 5, at bunso sa dalawang magkapatid, ay natagpuang patay sa mismong duyang nylon sa kanilang bahay sa Landing, Limay ilang oras matapos na ito’y magtapos ng kindergarten noong Martes.
“Inabutan ko pamangkin ko bandang alas-3:45 ng hapon na nakalupasay at nakapulupot ng tatlong ikot ang duyan sa leeg. Akala ko nagbibiro lang siya pero totoo pala,” sabi ng tiyuhin na unang nakakita sa bata.
Itinuro ng tiyuhin kung saan nakatali ang duyan na nang mangyari ang sakuna ay nag-iisa ang bata at walang kalaro. Ayon kay barangay kagawad Lorenzo Legaspi, maaaring nadulas ang apo habang nagpapaikot-ikot sa duyan at na-out-balance.
Wala sa bahay ang kanyang ama, isang supervisor ng isang contractor sa Coca-cola, na nagsabing nagtapos sa kindergarten ang kanyang anak at dumalo sa graduation noong umaga lamang bago nangyari ang aksidente.
Nagulat umano sila sa nangyari sapagka’t madalas namang gamitin ng bata ang nasabing duyan.
Ayon kay Dr. Alfonso Reyes, Limay municipal health officer, “nang dalhin dito, the patient was practically dead, walang pulse, walang heartbeat, walang respiratory, he was clinically dead.”
Wala umanong heartbeat na nakumpirma niya kaya sinimulan nila ang basic first aid at isinagawa ang basic resuscitation, binomba ang dibdib at nilagyan ang ambo bag ngunit wala paring nangyari.
Kinumpirma ang pagsusuri na ito ni Dr. Jennifer Caudillo, isa sa mga manggagamot sa Limay Health Center na mistulang ospital na.
“On examination, the boy had rope markings around the neck na nagpataas sa kanya na sign of accidental strangulation,” sabi pa ni Dr. Reyes.
Ang mga batang kalaro ay nagsabing makulit ngunit mabait si James na ang pangarap ay maging inhinyero. Sabi naman ng batang kalaro, madalas silang maglaro ng biktima ng larong pagong. “Nalulungkot ako,” sabi nitong namumugto ang mata.