Home Headlines Pangako ni PBBM, minaliit ni Alan Peter

Pangako ni PBBM, minaliit ni Alan Peter

589
0
SHARE

KUNG ating bibigyan ng matamang pansin
itong may himig na kantiaw kay PBBM
ni Sen. Cayetano, na di kayang tupdin
na mapababa ang presyo ng bilihin;

Partikular na riyan ang presyo ng bigas,
kung saan tahasang direktang pagsukat
sa kakayahan n’yan na maipatupad,
ang sa taongbayan nito inihayag.

Kauupo pa lang ni pangulong Bongbong,
para maisagawa ang anumang planong
ninanais ng kanyang administrasyon
na maisagawa’t agad maisulong.

Huwag maliitin ni Peter Cayetano
ang kakayahan ng butihing pangulo,
na di makayanang ibaba ang presyo
ng naturang butil at ibang produkto.

Eh, ang pinangakong 10k na ayuda
na ibibigay n’yan sa bawat pamilya,
noong kasagsagan ng pangangampanya
ni Alan Peter ay nagkatotoo ba?

Hindi! At kahit na naibigay nito,
‘one time’ lang pala itong sampung libo?
Gayong sa TV ads d’yan ni Cayetano,
kung pakasuriin matagalan ito.

At di ‘per family’ ang ayudang bigay
sakali ma’t nagka-totoo ang kanyang
ayudang tig-sampung libong ibibigay
sa bawat pamilya, (na kabaligtaran?)

Ng inakala ng mas nakararami
nating kababayan na ito ay ‘monthly’,
kaya na’engganyo na rin tayo pati
na ihalal nang dahil sa puntong nasabi.

Batid kaya riyan ni Alan Cayetano
na kaya ang laban n’yan naipanalo
bilang senador ay sanhi nga lang nito,
na sa isip natin makatulong ito?

Sa akala ba ng butihing senador
makabubuti sa anumag intension
n’yan na maigupo ang gaya ni Bongbong,
na hinog na’t saka taga sa panahon?

Anong mapapala r’yan ni Cayetano
sa mga pagkilos n’yan na kontrapelo
kay Bongbong, na hindi siya inaano,
kinakalaban siya riyan ng damuho?

Mas makabubuti ang manahimik ka
Alan Peter kaysa ang taong hindi ka
inaano’t saka di ka tinitira,
panay ang pintas mo, naghahamon ka ba?

O baka balak mong sa 2028
tumakbo ‘as the next Philippine president’
kaya ngayon pa lang may himig ‘dirty tricks’
na ng ‘campaign sortie’ ang iyong pag-tiris?

Kumilos ka muna bilang mambabatas,
nang may dedikasyon, pagiging matapat
bago ang ambisyong sa araw ng bukas
‘You’re the one at our Malacañan Palace’?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here