Panakip butas

    287
    0
    SHARE
    Hindi ko minamaliit ang kakayahan ni P-Noy, subalit may isang hamon sa kanya na mahihirapan niyang maisagawa.

    Hindi ito nagawa ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na isang Kapampangan, at ito ay hindi rin nabanggit sa State of the Nation address ni P-Noy.

    Isa ito sa palatandaan na sadyang ang Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ay magiging panakip butas na lamang sa mga kapalpakan at mga hindi kayang gawin ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Nakapangalan sa dalawang naging pangulo ng ating bansa ang dalawang airport. Ang isa ay sa ama ni GMA at ang isa naman ay sa ama ni P-Noy, pero wala akong ibig na ipakahulugan.

    The DMIA is now on 24-hour operation, is on course in its development as a premier gateway of the Philippines in the next 10 years.

    It is one of the biggest aviation complexes in Asia with its two 3.2 kilometer parallel runways that will be extended to 4 kilometers to accomodate new generation wide-bodied aircraft.

    The DMIA is certified by the International Civil Aviation Organization (ICAO) with ratings of Category I for Precision Approach Runway and Category IX for the Emergency Services. It is well equipped with a Terminal Radar Approach Control, Instrument Landing System, Navigational Aids, Meteorological Equipment, and Complete Airfield Lighting System.

    Laging laman ito ng balita sa mga pahayagan, subalit tila mananatili na lamang itong “press release” ng Clark International Airport Corp., ang korporasyong nangangasiwa sa DMIA.

    Sa katunayan, siyam na taon na naging pangulo si GMA subalit hanggang ngayon ay hindi parin “fully operational” ang nasabing paliparan. Kung sa siyam na taon ay hindi niya ito nagawa, lalo na siyang walang magagawa bilang isang mambabatas o congresswoman ng ikalawang distrito ng Pampanga.



    Sa kabila ng madaming kapalpakan at kahihiyan sa NAIA na nananatiling pangunahing paliparan ng Pilipinas.

    Delayed flights, bumabaha kapag malakas ang buhos ng ulan, nagsisikipang mga pasukan at labasan, zero visibility sa area ng NAIA, at bulok na mga comfort rooms.

    Gustuhin mang isaayos, dagdagan at lakihan ang mga runway, wala naring “area for expansion” ang NAIA dahil sa mga iskwater at mga gusali na nakapaligid dito. At sa kabila rin ng mga ito, nananatiling pangunahing paliparan parin ng bansa ang NAIA.

    Ni anino rin ng Philipine Airlines (PAL) ay hindi pa nakita sa DMIA bagama’t mayroon ng nakareserbang lupa para dito.

    Ang hamon nga ng mga Kapampangan kay P-Noy, sa pangunguna ng Pinoy Gumising Ka Movement, ay dapat na gawing pangunahing paliparan na ang DMIA sa lalong madaling panahon.

    Ngunit kahit 100 tubes pa ang gawin at kahit 10 mga runway pa ang idagdag sa DMIA, hindi ito magiging fully operational at mananatili itong isang panakip butas kung ang ating pangulo ay “nakatali sa leeg” sa ibang mga negosyante sa Maynila na pumipigil upang maging pangunahing paliparan ang DMIA.

    Ito ang nagiging dahilan kung bakit lagi na lamang nagiging kawawa ang mga overseas Filipino workers (OFWs) o mga balikbayan na taga-Tarlac, Pampanga, Pangasinan, Baguio, at ibat ibang mga probinsiya sa Norte at Gitnang Luzon at maging sa ibang mga lugar sa Pilipinas na bumibyahe pa papuntang Maynila para lamang makasakay ng eroplano.

    Maraming nagsasabi na magkaibang magkaiba ang nakaraang administrasyon sa kasalukuyan lalo na sa laban sa kahirapan at laban sa korapsyon. Subalit sa bagay na ito ay may pagkakahalintulad si GMA at P-Noy. 


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here