Home Opinion Panahon na upangtayo ay magkaisa

Panahon na upang
tayo ay magkaisa

189
0
SHARE

SANA itong huli na naging pahayag
ng ating pangulo na  siya’y umatras
sa planong pagtakbo bilang aniya ‘vice
president’ ni Bong Go, totoo at di ‘bluff’.

At napagtanto na r’yang lubos ni Digong
na hindi na siya dapat pang humabol
bilang bise ni Go o ng kahit sinong
makatambal kaya’t nagpasiyang umurong.

Aywan lamang natin kung siya’y seryoso
sa ipinahayag na umatras ito;
kilala n’yo naman ang ating pangulo,
subok sa pagiging walang ‘one word’ ito.

At sana nga ito’y pagsunod sa atas
ng kanya rin namang sarili – bagama’t
di bawal sa isang pababang ‘nation’s dad’
ang tumakbong ‘VP’ base sa’ting batas.

Maliban sa ibang ‘seat of office,’ gaya
ng ginawa noon ni GMA, di ba
naging ‘Congresswoman dito sa Pampanga
nang ilang taon din bago namahinga?

At kahit siguro, di bawal tumakbo
ng higit sa ‘one-term’ ang mga pangulo,
ipag-paumanhin ni RRD, ya’y di ko
na kailan pa man d’yan muling iboboto!

Kaya sakali mang hindi totohanin
ni Digong ang kailan lang niya sinabing
di na siya tatakbo, aking ituturing
na ya’y salita  ng lango sa San Miguel.

At pati ang aniya di n’yan papayagang
tumakbo si Sara sa pampanguluan,
sa dahilang hindi raw pambabae yan,
itaga sa bato di kayang gawin n’yan.

Ang kailangan natin ay di rin artista,
boksingero, dating pulis, abugada
kundi r’yan ng doktor, saka attorney pa
na tulad ni Montemayor ng Pampanga.

O kaya ni Bongbong Marcos ng Ilocos,
na base sa hula r’yan ni Nostradamus,
ay siya itong tiyak na makagagamot
sa ‘cancer’ ng ating bayang iniirog.

Hindi sa ang inyong abang manunulat
ikinakampanya itong inilatag
ng mga kilala r’yang personalidad
kundi ng para sa tagumpay ng lahat.

Tungo sa tunay na ikapagbabago
ng ngayo’y sakmal ng mga oligarko
ang ating inudustrya’t pati ang negosyo
nating patay-sindi  sa panahong ito.

Ito’y dahil na rin sa kapabayaan
riyan ng umu-ugit sa pamahalaan
na pangsarili lang ang tunay na pakay
sa pagtakbo kaya pahirap sa bayan.

Magkaisa tayo sa iisang grupo
na pamunuan ng bagong Bonifacio,
ang isang payapa’t REVGOV’na gobyerno,
na isusulong ng bawat Pilipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here