‘Palis-Lasa’ Festival ginanap

    1457
    0
    SHARE

    ABUCAY, Bataan- Isang makulay na festival na tampok ang walis lasa ang ginanap sa Barangay Mabatang sa bayang ito Sabado ng umaga.

    Ang nangungunang babae sa bawat grupo ng street dancers ay may mga kasuotang napapalamutian ng walis lasa. Ang mga street dancers man ay may mga palamuting lasa tulad sa kanilang mga head gear.

    Tinagurian ang okasyon ng “Palis Lasa Festival” na ang mga kalahok ay umikot sa buong barangay na sinaksihan ng maraming tuwang-tuwang mga residente.

    Ang palis ay salitang Kapampangan sa walis. Bagama’t ang Mabatang ay nasa gitna ng mga bayan sa Bataan na ang salita ay Tagalog, ang dialekto rito ay may halong salitang Kapampangan.

    Pangunahing pinagkakakitaan sa Mabatang ang paggawa ng walis lasa. Maraming walis na may markang “Baguio” ay gawa sa Mabatang.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here