Pagtulong sa may sakit na ina ni Francine Prieto pinagsisihan ng mga nagbigay ng donasyon

    381
    0
    SHARE
    Damang-dama ng mga ka-Facebook ni Francine Prieto ang hirap na pinagdaraanan niya dahil sa sakit ng kanyang ina. As we all know, dumanas ng matinding depresyon si Francine at nagsabing parang di na niya makayanan ang mga pinagdaraanan niya.

    Siyempre, kasama sa hindi nga malampasan ni Francine ay ang problemang pinansyal sa pagpapagamot ng ina. Nagkaroon ng fund raising kamakailan lang at nakalikom si Francine ng isang milyon na pantustos sa pagpagamot ng ina niya.

    “May intestinal obstruction siya ngayon, di makakain, nagsusuka siya. Hinahanapan pa ng lunas ng mga duktor ang karamdaman niya,” lahad pani Francine sa kanyang Facebook account.

    As expected, mga kasamahan sa industriya ang mga nangunang magbigay ng pondo sa dating sexy star. Pero, dalawa raw sa mga artista ng Kapamilya ang nagsisisi sa pagbigay nila ng donation nang nalaman nila na meron palang malaking house and lot na ibinebenta si Francine na nagkakahalaga ng P10-M.

    Kung tutuusin daw kasi, puwede namang ibenta ni Francine ng mas mahal ang kanyang bahay kung P10-M ang market price nito. Siguradong mabilis itong mabibili sa halagang P5-M. Pero, dinig namin, mas mababa sa P5-M ang pagkabenta niya dahil nga sa pagmamadaling makalikom ng malaking halaga para sa pagpapaopera ng kanyang ina.

    Kaya ngayon, gusto raw bawiin ng dalawang stars ng Dos ang naibigay nilang pera nang malaman nilang may malaking property pala si Francine at hindi naman daw pala ito  ganu’n ka-desperate sa pangangailangan ng cash.

    “Nautakan kami ni Francine. Ha-ha-ha!” sabi ng dalawang stars na parehong may mala-Diyosang kagandahan na idinaan na lang sa tawa ang pagkainis. But still, pinagdarasal pa rin daw ng dalawang stars na ito ang mabilisang paggaling ng mommy ni Francine.




    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here