Pagsuspinde sa NE mayor, ipinagtanggol

    696
    0
    SHARE
    CABANATUAN CITY – Ipinagtanggol ni Vice Gov. Edward Thomas Joson ang desisyon ng sangguniang panlalawigan na patawan ng 60 araw na suspensiyon si Mayor Abundia Garcia ng Cabiao, Nueva Ecija.

    Ayon kay Joson, naayon sa Local Government Code (LGC) ang pagpapataw ng preventive suspension sa isang punongbayan na nahaharap sa kasong administratibo.

    Ngunit nilinaw din ni Joson noong Martes na tanging rekomendasyon lamang ang magagawa ng SP at si Gov. Aurelio Umali pa rin ang may desisyon kung ito’y ipatutupad o hindi.

    Si Garcia ay kapartido ni Umali sa Lakas-CMD. Si Joson, sa kabilang dako,  na may walong kapartido sa SP ay nabibilang sa partido Bagong Lakas ng Nueva Ecika (Balane) na itinatag ng kanyang yumaong lolo, dating Gob. Eduardo L. Joson.

    Ang reaksiyon ay ginawa ni Joson matapos magsampa si Garcia ng reklamo sa Office of the President (OP) na hinihiling na patigilin ang SP sa pagdidnig ng kaso laban sa kanya na isinampa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Cabiao.

    Ayon kay Garcia, napupulitika umano ang pagdinig sa kaso at minamadali ito dahil mayorya ng mga kagawad ng SP ay Balane.

    Ayon kay Joson, ang kaso laban kay Garcia na sinasabing nag-ugat sa pagtungo ng punongbayan sa tanggapan ng Cabiao SB at umano’y pagmumura ay nakatakda nang itukoy ng komite ni Board Member Raqueliza Agapito sa pagdinig ng kapulungan.

    Kinwestiyon ni Joson kung bakit hindi isinama ni Garcia sa kanyang reklamo sa Malacanang ang mga bokal na kapartido nito gayong hindi umano nagsitutol ang mga ito nang pag-desisyunan ang rekomendasyon ng suspensiyon.

    “Maliban kay Bokal (Edmund) Abesamis na nagsabing ayaw niyang bumoto dahil hindi niya kabisado ang kaso, ay walang tumutol,” sabi ni Joson. “May nagpanukala at sinegundahan pero walang tumutuol kaya pag hindi tumutol, ibig sabihin ay sumang-ayon,” dagdag niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here