Paglilibot ni Binay sa Bulacan, maagang campaign sortie

    262
    0
    SHARE

    PANDI, Bulacan – Nagmistulang kampanya ang pagbisita ni Vice President Jejomar Binay sa Bulacan. Dinepensa ni   Binay ang kanyang sarili sa harapan ng kanyang mga taga-suporta  sa Pandi Sports Complex na isa sa sortie      nya sa Bulacan nitong Huwebes.  Sinabi ni Binay na pawang walang basehan sa mga akusasyon laban sa kaniya at  pawang bahagi lamang ng  pamumulitika. Aniya, sa gitna ng paninira sa kaniya  ay umiikot siya at derecho na     nakikipag-  usap sa taumbayan. Talo daw ng paninira ang pagpapaliwanag  niya sa tao kaya siya nag-iikot.    Gayunpaman aniya, wala siyang  pinagsisisihan sa paghahangad na maging pangulo ng Pilipinas sa 2016. Pinangarap   daw niya ito at pinaghandaan na niya ito.  Binigyang diin ni Binay na kung siya ay mananalo na pangulo  ng bansa  ay ang magiging batayan niya ay ang Makati experience.  “Ganito kami sa Makati…” pinagmalaki ni Binay sa  kanyang mga taga-suporta  ang kanyang mga naging programa sa Makati.  Dapat daw ay may kakayahan at may     karanasan ang magiging susunod na pangulo ng Pilipinas. Matapos ang talumpati ni Binay ay  nagpamigay ito ng mga   souveniers sa kanyang mga taga-suporta. Matapos noon ay nagkaroon ng pagpapalitrato ang kanyang mga    taga-suporta sa kaniya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here